Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Electricity Brownout

Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA

NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad.

Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Itong patuloy na pagba-brownout sa iba’t ibang panig ng Filipinas is becoming a serious national security threat. This has to be addressed because terrorists, insurgents and other criminal elements could take advantage of the situation,” ani Tulfo.

Iginiit ni Tulfo, maaaring itiyempo ng masasamang loob na gumawa ng terroristic acts and other criminal activities tuwing brownout kung kaya kailangan nating tutukan at pigilan ang isyung ito na winalang bahala lang po ng ating kinauukulan, bago pa ito lumala.

Mula nang mahalal bilang Chairperson ng Komite ng Enerhiya, nakausap at napagsabihan na ni Tulfo ang ilang opisyal mula sa mga electric cooperatives, tulad ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) dahil sa kapalpakan, na ayusin ang problema sa koryente sa kanilang nasasakupan.

Kamakailan ay inihain niya ang Senate Resolution (PSR) No. 107 na naglalayong imbestigahan ang rotational blackouts at pagtaas ng singil sa koryente sa bansa. Magsisimula na ang imbestigasyon sa kasalukuyang buwan.

Ayon kay Tulfo, “Maaaring lusubin o i-overrun ng insurgents, terrorists at iba pang criminal elements ang mga police stations, military outposts, at iba pang government facilities. Ititiyempo nila ang aksiyon tuwing mayroong unaanounced na brownout.”

Naalarma si Tulfo sa masamang epekto ng paulit-ulit at rotational brownout sa kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino, lalo ang mahihirap.

“Malaki ang banta nito sa kaligtasan ng mahihirap nating kababayan, partikular sa mga pasyente sa mga ospital, clinics, o centers na walang generator. Buhay ng mga pasyente na nasa kalagitnaan ng medical procedures ang nalalagay sa panganib tuwing magkakaroon ng unannounced brownout,” dagdag ni Tulfo.

Muling iginiit ni Tulfo, gagawin niya ang kanyang makakaya para masolusyonan ang problema sa koryente at protektahan ang seguridad ng bansa.

“Ayoko pong dumating ‘yung panahon na magigising tayo sa isang umaga na iba na ang namumuno sa ating bayan dahil tayo ay nalusob ng foreign elements dahil sa kapabayaan sa isyu of national concern,” ani Tulfo.

“Magmula nang naging Chairman ako ng Energy Committee, ang rami kong nakitang mga katiwalian sa enerhiya sa ating bansa and atin po ‘yang ibubunyag sa mga darating na senate hearing and I will make sure na magkakaroon ng live coverage ang lahat ng mga pandinig para sa kaalaman ng publiko,” pagwawakas ni Tulfo.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …