Thursday , December 26 2024
Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang benepisaryo ng Rice Tariffication Act (Republic Act 11203).

Sa Senate Bill 231, iminungkahi ni Padilla na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para maging mas competitive ang mmga magsasakang Pinoy.’

“This measure also proposes to increase the amount earmarked for RCEF from P10 billion annually to P15 billion to aid our farmers in reducing the rice production cost while increasing farmer incomes. In addition to the proposed amendments, this representation proposes that 10% of the RCEF shall be made available for scholarship, health and other similar benefits for the rice fund beneficiaries,” ani Padilla.

Ayon kay Padilla marami ang naging butas sa pagpapatupad ng naturang batas, kabilang dito ang pagpasok ng imported na bigas kung kaya’t napilitan ang mga magsasaka na ibaba ang presyo ng kanilang produkto.

Hindi rin naibaba ang production cost para sa mga magsasaka Filipino sa kabila ng P10-bilyong RCEF kada taon para sa farm mechanization, seed development, propagation and promotion, at credit assistance and extension services.

Sa ilalim ng panukalang batas, iminungkahi ni Padilla na: payagan ang pag-export ng bigas maliban tuwing harvest season; itaas ang RCEF mula P10 bilyon sa P15 bilyon kada taon sa susunod na anim na taon; Ilaan ang 20% ng Rice Fund sa rice seed development, propagation and promotion; at ilaan ang 10% ng Rice Fund sa scholarship, health, at ibang insentibo para sa mga magsasakang benepisaryo.

“With this representations hope to plug the loopholes of RA 11203 or the Rice Tariffication Law, the passage of this measure is earnestly sought,” dagdag ni Padilla. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …