Friday , November 15 2024
CoVid-19 vaccine
CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas at Mababang Kapulungan), ang agarang pag-amyenda sa Republic Act 11525 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglilimita ng naturang programa sa ilalim ng state of calamity.

Ayon kay Vergeire sa kanyang mensahe matapos dumalo sa DOH PinasLakas CoVid-19 vaccination program, dapat igiit na kailangan ang agarang aksiyon Kongreso kaysa dumating ang panahon na mawalan ito ng bisa.

Sa ilalim ng deklarasyon o proklamasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hanggang Setyembre 2022 ang deklarasyon ng state of calamity.

Paliwanag ni Vergeire, sa sandalling mawala o bawiin ang deklarasyon ng state of calamity ay mawawalang saysay ang naturang batas.

Idinagdag ng DOH OIC, dito nakataya ang paggamit natin ng Emergency Use Authority (EUA) sa ating mga bakuna na nakataya ang mga tax exemption sa mga assistance na nakukuha.

“Nakataya rin po rito at nakatali ang emergency procurement na atin pong nagagawa because of pandemic. And nakatali rin po rito ang pagkontrol sa presyo ng iba’t ibang commodities because of pandemic,” ani Vergeire.

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri, magiging bahagi ng agenda ng Senate Health Committee ang kahilingan ni Vergeire.

Bukod sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng senado sa kahandaan ng DOH para labanan ang CoVid-19, monkeypox at dengue.

Ayon kay Zubiri, aalamin niya kung handa si Pangulong FM Jr., na palawigin ang deklarasyon ng national calamity sa bansa.

Aminado si Zubiri, kailangan talagang amyendahan ang naturang batas upang lalong mabigyan ng daan ang DOH na amyendahan din ang kanilang programa partikular ang pagkakaloob ng booster vaccine.

Bukod dito, sinabi ni Zubiri, dapat maibigay sa lahat ang bakuna upang hindi na ito masayang pa.

Batay sa tala ng DOH, hanggang nitong 5 Agosto, mayroong 71.8 milyong Filipino sa bansa ang nakatanggap ng dalawang bakuna laban sa CoVid-19 at mula sa naturang datos ay 16.4 milyon ang nakatanggap ng dagdag na bakuna at 1.4 milyon ang nakatanggap ng second booster. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …