Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremiah Palma Umbra

Baguhang Pinoy film maker nag-uwi ng 2 int’l filmfest award

BAGAMAT baguhan, nasungkit ng baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India. Ang tinutukoy namin ay si direk Jeremiah P Palma na nagdirehe ng pelikulang Umbra.

 Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ni Direk Palma subalit siya ang nakakuha ng Best Director award.Siya ang itinanghal na Best Director sa Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India at sa Venus International  Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

Ginagamit ng festival ang media platform bilang instrumento para kumonek sa mga manonood sa iba’t ibang syudad, bansa, at kontinente. 

Ito ang ikatlong taong isinasagawa ang festival, na nilahukan ni direk Palma na siyang director-in-charge sa Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division, na nasungkit ang pangaral noong Hulyo 24, 2022 ng pelikulang UMBRA.

Bago sa FEWF, itinanghal muna siyang Best Director sa parehong  pelikula sa Venus International  Film Festival 2022 ( Hulyo 3, 2022).

Si Palma ay kilala rin sa tawag na Direk Miah na nagsimulang magdirehe ng music video at short films noong 2020. Ang kanyang film outfit, ang MAYA Film kasama ang KSMBPI Film Division ay nag-collaborate para sa produksiyon ng Umbra, isang indie film na ipinakita sa  international film forum.

Ang dalawang international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.

Mapapanood din ang pelikula sa Pilipinas matapos maipalabas globally.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …