Tuesday , December 24 2024
Sonny Angara Money Senate

PH gov’t may sapat na pondong pantugon sa kalamidad — Angara

TINIYAK ni Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance sa ilalim ng 18th  at 19th Congress, mayroong sapat na pondo ang pamahalaan sa taong ito para tumugon sa mga kalamidad , matulungan ang mga naapektohan nito, at maging ang mga impraestruktura lalo ang mga national heritage.

Ayon kay Angara, nakapaloob sa ilalim ng 2022 General Appropriation Act (GAA) o ang pambasang budget na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso at nilagdaan ng Pangulo, bago matapos ang taong 2021, ang kaukulang pondo para sa pagtugon sa anomang kalamidad.

Tinukoy ni Angara, kung hindi siya nagkakamali ay mayroong  P10 o P20 bilyong calamity funds ang pamahalaan para tumugon sa mga kalamidad.

Bukod dito, sinabi ni Angara ang kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na mag-realign ng savings funds ng pamahalaan.

Tinukoy ni Angara, maging ang mga heritage site na nasira ng kalamidad ay maaaring ayusin sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng endowment funds sa ilalim ng Republic Act 10066 o kilala sa tawag na National Cultural Heritage Act.

Kaya’t walang nakikitang dahilan si Angara para hindi agad matulungan ng pamahalaan ang mga kababayang biktima ng kalamidad.

Isa sa tinukoy ni Angara ang agarang pagtungo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Abra, ang sentro ng 7.3 magnitude na lindol gayondin ang iba pang mga probinsiya sa Norte para ipaabot ang tulong ng pamahalaan ilang oras matapos ang pag-uga.

Aminado si Angara, bukod sa tulong ng pamahalaan ay hindi nawawala ang tulong ng mga pribadong sektor at ilang grupo.

Naniniwala si Angara, hindi malabong makabangon sa lalong madaling panahon ang ating mga kababayan na biktima ng lindol.  

Nauna rito, nagpahayag din si Angara na bukod sa isang buwan niyang suweldo sa senado na kanyang ido-donate ay personal na magbibigay ng tulong na tubig ang kaniyang tanggapan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …