Friday , April 18 2025
Bongbong Marcos BBM Rodrigo Duterte

19 panukalang batas pinapapaspasan ni FM Jr.

LABING-SIYAM na panukalang batas ang hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na gawing prayoridad upang pag-aralan at maipasa.

Sa unang State of the Nation Address (SONA), agaran niyang hiniling sa kongreso ang pagbibigay ng pansin sa kanyang mga prayoridad na panukala na nais niyang maging batas, gaya ng mga sumusunod: National Government ‘Rigthsizing’ Program; Budget Modernization Bill, Tax Package 3 (Valuation reform bill); Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act; E-Government Act; Internet Transaction Act or E-Commerce Law; Government Financial Instituion Unified Initiatives to distress enterprises for economic recovery; Establishment of Medical Reserve Corps; National Disease Prevention Management Authority; Creation of the Virology Institute of the Philippines; Department of Water Resources;

Unified System of Separation, Retirement and Pension; E-Commerce Act; National Land Use Act; National Defense Act; Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) and National Service Training Program; Enactment of An Enabling Law for the Natural Gas Industry; Amendments to Electric Power Industry Reform Act (EPIRA ); at Amendments to Build-Operate-Transfer Law.

Bago hiniling ni Marcos sa Kongreso ang mga naturang panukalang batas ay kanyang inilahad ang programa ng kanyang adminitrasyon ukol sa sektor ng agrikultura, agrarian reform, turismo, tungkulin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating mahihirap na biktima ng kalalimidad at krisis, Department of Migrant Workers sa pagbibigay proteksyon sa ating mga kababayang manggawa  sa ibang bansa.

Tinalakay din ni Marcos ang ilang mga programa niya ukol sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa mula sa dalawang taong pandemyang dulot ng CoVid 19.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …