Sunday , November 24 2024
Win Gatchalian

Sa 19th Congress
PAGTUGON SA KRISIS SA EDUKASYON PRAYORIDAD NI GATCHALIAN 

NAIS ni Senador Win Gatchalian na pagtuunan ang pagtugon sa krisis sa edukasyon ngayong 19th  Congress kasunod ng mga inihain niyang priority bills para sa sektor ng edukasyon. 

Si Gatchalian ay mananatiling Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture. Naghain siya ng isang resolusyon upang repasohin ng Senado ang pagpapatupad sa Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang K to 12 Law (Republic Act No. 10533).

Binigyang diin ni Gatchalian, batay sa resulta ng mga international large-scale assessments, hirap ang mga mag-aaral ng bansa pagdating sa mga basic competencies. Nahuhuli rin sila kung ihahambing sa mga mag-aaral sa ibang bansa.

Bago tumama ang pandemya, tinataya ng World Bank na ang learning poverty sa bansa ay umabot sa mahigit 90.5 porsiyento. Ang learning poverty ay ang porsiyento ng mga batang 10 anyos na hindi marunong bumasa o umunawa ng maikling kuwento.

Nangunguna sa listahan ng priority bills ni Gatchalian ang panukalang Teacher Salary Increase Act. Sa ilalim ng panukala, ang salary grade ng mga Teachers I, II, at III ay gagawing SG 13, 14, at 15 — mas mataas ng dalawang antas sa kasalukuyang salary grades.

Muling naghain si Gatchalian ng mga panukalang batas mula sa 18th Congress, kabilang dito ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act at ang 21st Century School Boards Act.

Layon ng panukalang ARAL Program Act ang pagkakaroon ng isang learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang pinsalang dulot ng kawalan ng face-to-face classes.

Tututukan ng panukalang batas ang tinatawag na “most essential learning competencies” sa Language, Mathematics, at Science.

Layon naman ng 21st  Century School Boards Act na paigtingin ang pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa paghahatid at pag-aangat sa kalidad ng edukasyon.

Kabilang sa mga inihain ni Gatchalian para sa darating na Kongreso ang Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Act, ang Digital Transformation in Basic Education Act, Senior High School Reserve Officers Training Corp  (ROTC) Act, at ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

“Sa ating mga panukalang batas, tutukan natin ang pagtugon sa krisis sa edukasyon at ang pagbangon ng sektor mula sa pinsalang dulot ng pandemyang CoVid-19.

“Titiyakin nating makatatanggap ang kabataang Filipino ng dekalidad na edukasyon, lalo na’t ito ang isa sa mga pundasyon ng mauunlad na bansa,” ani Gatchalian.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …