Thursday , December 19 2024
Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

Suntok ni Canelo walang epekto kay Golovkin

NEW YORK–Maraming katangian si Canelo Alvarez pagdating sa pakikipaglaban sa ring  pero hindi naniniwala  si Gennadiy Golovkin na nakagigiba ang suntok ng kanyang karibal.

Naitala ni Golovkin ang nag-iisang talo niya sa kabuuan ng kanyang boxing career  sa kamay ni Alvarez sa rematch nila noong 2018.  Nanalo si Canelo via  majority decision.  Ang una nilang laban noong 2017 ay nagtapos sa ‘controversial draw.’  Maghaharap sa ikatlong pagkakataon ang dalawa na  mangyayari sa 168-pound limit, na kung saang dibisyon ay hawak ni Alvarez ang apat na major belts.

Sa naging press conference sa Manhattan para sa promosyon  ng trilogy sa Setyembre 17 na magaganap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, sinagot ni  Golovkin ang katanungan tungkol sa lakas ng kamao ng Mexican superstar.   

Si Alvarez ay hindi tipikal na isang ‘knockout artist’ sa mayorya ng kanyang career ayon sa mga boxing experts pero masyado siyang nag-imprub sa timbang na 168.   Pinatulog niya sa nasabing dibisyon sina Billy Joe Saunders at Caleb Plant at ang dating 175-pound titlist Sergey Kovalev.

Pero iba ang pananaw ni Golovkin.   “I fought Canelo at 160 and I could say he was a faster puncher, he had faster combinations but I wouldn’t say they were power punches, knockout punches,” pahayag ni Golovkin sa grupo ng  reporters. “You saw that. You saw his clean shots that brought no result.”

Pagpapatunay ni Golovkin sa kanyang sinabi na hindi siya nagawang pabagsakin ni Alvarez sa kanilang naunang dalawang laban.

About hataw tabloid

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …