KINUMPIRMA ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA Asia Cup na hahataw sa Indonesia.
“Mukhang wala na. He has decided to do some other thing and forego the Fiba Asia Cup,” pahayag ni Reyes nung Linggo pagkatapos ng panalo ng Gilas laban sa India sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian qualifiers.
Pahayag ni Reyes na ang federation ay patuloy na nakikipag-usap sa handlers ni Sotto pero wala silang nakuhang kasagutan sa naturang kampo.
“We have [been communicating] and they said no. Well, they haven’t said no but they’re not saying yes. If it’s not a yes, we already know what it is,” sabi ni Reyes.
Malaking kawalan si Sotto sa Team Philippines lalo na ngayon na kulang sa big men ang Gilas sa pagkawala ni naturalized player Ange Kouame dahil sa Injury.
Sa kasalukuyan ay nananatiling isang malaking kuwestiyon kung ano na ang susunod na hakbang ni Sotto pagkaraang maging undrafted sa 2022 NBA Draft at napag-iwanan sa NBA Summer League roster.
Bagama’t malaki ang pangangailangan ng Gilas sa kalidad ni Sotto, sinabi ni Reyes na wala silang magagawa sa kasalukuyan kungdi ang maghintay ng last minute na pasabi sa kampo ng 7-foot-3 na maglalaro siya sa FIBA Asia Cup.
“We’re still hoping, but to be very honest, medyo malabo,” sabi niya.