EKSAKTONG 4:16 pm nang makapagtala ng bills and index ng senado ng 124 inihaing panukalang batas at isang resolusyon.
Nabatid, ang nagbabalik na si Senator Loren Legarda ang kauna-unahang senador na naghain ng panukalang batas.
Tulad ng kanyang pangako noong kampanya, inihain niya ang panuklanag batas na isang mesa para sa bawat mag-aaral.
Sa unang ikot ng paghahain ng panukalang batas at resolusyon, binigyan ang mga senador ng tig-10 panukalang batas o resolusyon na maihahain.
Kabilang sa mga naghain ng kanilang mga panukalang batas sina senators Joel Villanueva, Francis “Tol” Tolentino, Bong Go, Jinggoy Estrada, Sonny Angara, Koko Pimentel, Ramon Revilla, Jr., at Lito Lapid.
Naghain din ng kanilang mga panukalang batas sina Senadora Riza Hontiveros at Cynthia Villar.
Maging si Senador Robin Padilla ay nakapaghain na rin ng kaniyang panukalang batas.
Kung tig-sampu ang mga senador, lima ang panukalang inihain ni Senador Lapid. (NIÑO ACLAN)