Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zolani Tete Jason Cunningham

Zolani Tete giniba si Jason Cunningham sa 4th round

NASA radar na muli ni dating two-weight world champion Zolani Tete ang isa pang pagkakataon para mapalaban sa titulo nang gibain niya si Jason Cunningham sa 4th round ng magharap ang dalawa sa Commonwealth super-bantamweight title fight sa Joyce-Hammer  sa Wembley.

Naging brutal ang pinakawalang suntok ni Tete na nagpabagsak sa lona kay Cunningham, at nang bumangon ito ay pinaulanan na niya ito ng suntok  para itigil ng reperi ang laban.

Maganda ang naging comeback fight ni Tete pagkatapos na wasakin siya ni John Riel Casimero ng Pilipinas para mawala sa kanya ng korona sa WBO bantamweight  noong 2019.

Naging masakit naman para kay Cunningham ang pagkatalo dahil rumerekta ang kanyang boxing career nang manalo siya ng British, Commonwealth at European titles.   Dahil sa mga naunang panalong iyon kung kaya umakyat siya sa ibang level ng kompetisyon para mahanay sa mga world class boxer, pero tipong kinapos siya ng kalkulasyon.

Sa naunang tatlong rounds, nakontrol agad ni Tete ang laban sa pamamagitan ng matutulis at malulutong na jabs, samantalang nangangapa naman si Cunningham na kumonekta.

Nakakita ng pagkakataon si Tete sa 4th round at pinawalan niya ang matinding left hook  para bumagsak si Cunningham.  At nang bumangon siya, hindi na siya tinigilan ni Tete.  Doon na sumenyas si referee Howard Foster na tapos na ang laban bago pa tuluyang masira si Cunningham.

Binigyan ng paunang lunas ng paramedics si Cunningham at nagbalik ang kanyang diwa pagkaraan ng apat na minuto.   Nagtapos ang laban sa 34 seconds ng 4th round.

Napanalunandin ni Tete ang Commonwealth title, ang IBF at WBO International belts na nakataya sa laban.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …