Thursday , November 14 2024

P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangakong P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.

Target ng DSWD na matatanggap ng 12.4 milyong benepisaryong Filipino sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda ngayong linggo.

Ayon kay Tulfo, ngayong Lunes ng umaga, 4 Hulyo, ay sisimulan ng kaniyang ahensiya ang pagdeposito ng ayuda sa cash card ng mga benepisaryo na maaaring tumagal ng lima hanggang anim na araw.

“Tumawag po sa akin nitong Sabado si Pangulong BBM para kumustahin kung kailan maibibigay ang ayuda ng mga tao, sabi ko sa Lunes ng umaga po Sir,” sabi ni Sec. Tulfo

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Biyernes ang P6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pinoy na kabilang sa tinatawag na ‘low-income families.’

“Makatutulong ang halagang ito para sa ating mga kababayang mahihirap lalo na’t patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa krisis na kinahaharap ng buong mundo,” anang kalihim.

Ang Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng P500 kada buwan sa mahihirap na Filipino sa utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong buwan ng Mayo ngunit nitong Biyernes lamang naipalabas ang pondo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr.,

Ang programang ito ay ipatutupad ng DSWD sa loob ng anim na buwan upang makatulong sa taongbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin.

Ang mga benepisaryong makatatanggap ng ayuda ay binubuo ng 4 milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); 6 milyong non-4Ps na dating benepisaryo ng Unconditional Cash Transfer Program; at 2.4 milyong pamilyang nasa ‘listahan’ o poverty data ng DSWD.

Umapela si Tulfo sa mga benepisaryo na gamitin sa tama ang kanilang mga ayuda.

Nagpaalala din ang bagong kalihim na maaaring tanggalin sa listahan ang mga benepisaryo na mahuhuling ginagamit lang sa ilegal gaya ng pagsusugal ang kanilang mga ayuda.

“Para ito sa pamilya ninyo kaya’t hiling ko ay gamitin ninyo ito sa ayos at huwag sayangin sa anomang ilegal na bagay,” ayon kay Tulfo.

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong BBM siniguro ni Tulfo na laging nariyan ang pamahalaan para tulungan ang mga Filipino lalo sa oras ng kanilang pangangailangan.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …