Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Eala

Alex Eala nagpapakita ng progreso sa laro sa W25 Palma del Rio Singles, Doubles

NAGPAMALAS ng bagsik sa laro si Alex Eala ng Pilipinas nang magposte ito ng impresibong panalo sa W25 Palma del Rio sa Spain nung Martes para sumampa sa singles second round at doubles quarterfinals ng ITF Women’s World Tennis Tour Event.

Si Eala, 17, ay narating ang career-high ranking ng WTA World  No. 337 nung Lunes, nang idispatsa niya si Jimar Geraldine Gerald Gonzalez ng Chile, 6-2, 6-0 sa opening round.

Hindi man siya nakapagrehistro ng aces sa match kumpara sa apat na aces ni Gerald Gonzalez, nalimitahan naman ni Eala ang kanyang double faults sa dalawa, samantalang ang kanyang kalabang taga-Chile ay nadale ng anim na double faults.

Sa panimulang laro ni Eala ay lumobo ang kalamangan niya sa 4-1.   At dumating ang tsansa niyang isara ang panalo sa 6-2 sa  loob ng 33 minuto.

Sa opening game  ng ikalawang laro ay naging madali para kay Eala na idispatsa  ang kalaban  para ikasa ang laban niya sa 2nd round kontra sa No. 2 seed Jessika Ponchet ng France o9 kay Veleria Savinykh ng Russia.

Ang $25,000 torneyo, na kilala rin bilang W25+H Palma del Rio o Open Generali Ciudad de Palma del Rio ay ang ika-12th na sinalihan niyang professional tournament sa kasalukuyang season.

Si Eala, ang 2021 W15 Manacor at 2022 W25 Chiang Rai champion, ay nagbalik pagkaraan ng ilang oras para maglaro sa outhdoor hard courts ng Polideportivo Municipal el Pandero para sa doubles draw.

Ang No. 4 seeds Eala at Marina Bassols Ribera ng Spain ay giniba ang tambalang Adriana Cortes at Patricia Rodriguez Carretero, 6-0, 6-0 sa loob lamang ng 47 minuto.

Nakatakda silang maglaro sa Court 2 ng quarterfinals  sa Miyerkules, makakaharap nina Eala at Bassols Riber ang tambalang Marta Huqi Gonzalez Encinas  ng Spain at Ashley Lahey ng US.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …