DUMATING na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas nung Martes ng hapon para sa magiging showdown nila ng host country sa June 30 sa Evenfinda Stadium sa Auckland sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
May pagkakataon pa ang Gilas na sumalang sa ensayo pagkaraang magpahinga nang bahagya para pagpagin ang pagod sa biyahe.
Sa muling paghaharap ng Gilas at New Zealand ay may layong makaresbak ang Philippine Team sa pagkatalo nila nung February window 88-63 na dito ginawa sa bansa.
Ititimon ni coach Nenad Vucinic ang Gilas sa 3rd window, at meron lang siyang 11 na manlalaro na babalasashin sa laro dahil sa pagkaka-injured ni center Ange Kouame.
“I really enjoy the importance of basketball to everybody in this country. And it’s good to be involved in something that means so much to so many people. So with that, comes pressure, obviously,” pahayag ni Vucinic.
“So that challenge to try to bring joy, and we have the World Cup next year, to bring joy to the people that care about the game is something that has to drive anybody that is involved in the Gilas program. It is a pressure, it is a responsibility,” he said.
“But it has to turn into a challenge and has to turn into the enjoyment of working together towards the same goal and that is the performance at the World Cup.”
Pagkatapos ng salpukan ng New Zealand at Gilas, magbabalik ang mga Pinoy sa bansa para mag-host naman ng laro kontra India sa July 3 sa Mall of Asia Arena.
After playing New Zealand, Gilas will return to the Philippines as they host India on July 3 at the Mall of Asia Arena.