Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Vape bill’ pekeng malasakit sa health ibasura

062922 Hataw Frontpage

‘FAKE health act’ ang kontrobersiyal na Vape Bill, kung kaya’t dapat itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kanyang termino sa 30 Hunyo 2022.

Ito ang nagkakaisang posisyon nina Senadora Pia Cayetano at isang grupo ng mga doktor na mariing tumututol sa pagsasabatas ng naturang panukala.

Nauna rito, kinastigo ni Cayetano ang aniya’y ‘last-minute transmittal’ ng Kamara ng enrolled copy ng Vape Bill sa tanggapan ng Pangulo. 

Aniya, ang opisyal na submisyon sa Malacañang ay naganap noon lamang Biyernes, Hunyo 24, bagama’t limang buwan na ang lumipas mula nang ipasa ng Senado at Kamara ang bicameral version ng Vape Bill noong 26 Enero.

Para umanong sinadya ito, ayon sa senadora, para ‘di na mapag-aralang mabuti ng papalabas na administrasyon ang kontrobersiyal na panukala.

“Kahit maikli na lang ang nalalabing panahon sa panunungkulan ni Pangulong Duterte, umaasa ako na hanggang sa huling saglit ay maninindigan siya para sa kalusugan ng mga Filipino. Mahal na Pangulo, please veto the Vape Bill,” apela ni Cayetano.

Dagdag ni Dra. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Surgeons, nagpapanggap na ‘pro-health’ ang Vape Bill dahil ang totoo’y pahihinain nito ang mga regulasyon ng pamahalaan patungkol sa e-cigarettes at vapes sa ilalim ng Sin Tax Law.

Paliwanag ng doktora, tatanggalin ng Vape Bill ang regulatory authority sa e-cigarettes mula sa Food and Drug Administration (FDA) at ililipat ito sa Department of Trade and Industry (DTI), kung kaya’t mawawalan ng ngipin ang gobyerno para epektibong mabantayan ang banta sa kalusugan ng naturang mga produkto. 

Ayon kay Limpin, ibababa ng Vape Bill ang age of access sa e-cigarettes mula sa kasalukuyang 21 anyos tungo sa 18 anyos . 

Bukod dito, pahihintulutan ng Vape Bill ang pagbebenta ngiba’t ibang vape flavors. Ito’y taliwas sa kasalukuyang regulasyon na naglilimita lang sa dalawang flavors: plain menthol at plain tobacco.

Samantala, sinabi ni Dra. Riza Gonzalez, chairperson ng Philippine Pediatric Society Tobacco Control Advocacy Group, mga kabataang Filipino ang tunay na target market ng Vape Bill, kung kaya’t dapat lang itong i-veto ng Pangulo. 

“FDA ang dapat ang maging regulatory body, at dapat ma-implement ang flavor restrictions na attractive sa mga bata,” diin pa nya. 

Para kay Dr. Ulysses Dorotheo, Executive Director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance, Filipinas na lang ang tanging bansa sa rehiyon na hindi health department ang nangangasiwa sa regulasyon ng sigarilyo at tobacco products.

Kung kaya’t sang-ayon sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema na inilabas noong Hunyo, pumapabor sa FDA bilang regulator sa aspektong pangkalusugan ng sigarilyo. 

Diin ni Dr. Dorotheo, pinalalakas ng Supreme Court decision ang panawagan ng medical associations at health advocates na i-veto ang Vape Bill. (NINO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …