Friday , November 15 2024
Sa San Pablo Laguna, 2 MOST WANTED SA ARESTADO

Sa San Pablo Laguna,
2 MOST WANTED SA ARESTADO

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang nakatalang most wanted person ng lalawigan ng Laguna sa ikinasang manhunt Charlie operation ng San Pablo CPS nitong Linggo, 26 Hunyo.

Sa ulat kay P/Col. Cecilio Ison, Jr., kinilala ang unang inarestong suspek na si Marlon Benito, 46 anyos, construction Worker, at nakatira sa Barangay II-A, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Joewie Lucas, hepe ng San Pablo CPS, dinakip si Benito dakong 12:06 pm kamakalawa sa naturang barangay.

Nahaharap ang akusado sa kasong Rape na isinampa noong 28 Pebrero 2022, walang inirekomendang piyansa sa San Pablo City RTC Branch 29.

Sa hiwalay na operasyon, nadakip ang isang suspek na kinilalang si Timoteo Javier, 62 anyos, driver at residente sa Brgy. Del Remedio, sa lungsod, dakong 4:05 pm kamakalawa sa Brgy. San Rafael.

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Section 5(B) ng RA 7610 o Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Isinampa ang kaso noong 10 Pebrero 2022, may inirekomendang piyansang P200,000 sa San Pablo City RTC Branch 7 Family Court.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ng komunidad.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra, “Kapuri-puri ang San Pablo CPS sa kanilang accomplishments lalo sa kampanya laban sa wanted persons. Patuloy na tutugisin ang mga wanted na kriminal kahit magtago sila sa malalayong lugar.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …