Thursday , December 26 2024
Volleyball Nation's League VNL

France walang talo sa VNL’s QC Leg

IPINANALO lahat ng France ang apat nilang laro sa ikalawang linggo ng Volleyball Nation’sLeague (VNL).

Kinumpleto ng   Olympic champions France ang apat na sunod na panalo  sa Quezon City leg  nang  gibain nila ang Germany nung Linggo ng umaga, 25-16, 25-19, 19-25, 25-21.

Si Earvin Ngapeth na ipinahinga sa nakaraang laro ay may dalawang blocks para tumapos ng 18 puntos at pangunahan ang team-high nine digs at apat na receptions.   Nag-imprub ang karta ng French sa league-best 7-1 record.

Matindi rin ang inilaro ni Stephen Boyer na may 16 puntos at six digs,  na masayang lumisan sa Pilipinas na ninanamnam ang panalo kahit pa nga nagbigay ng matinding laban ang German sa third set.

“It’s always good to win. It’s not the good way but it’s okay. We have to restart in the fourth set and the most important is the victory. We will rest and travel. Our next stop is our games in Japan and just continue to go on our way,” sabi ni  Boyer.

Pinuri ni  Boyer ang Filipino fans na sumaksi sa kanilang laban.   Sinabi niyang ito ang unang pagkakataon na bumisita siya sa bansa.

“For me, it is the first time that I discovered the Philippines. It’s nice to play here in this gym. It’s really great to play here,” sabi ni  Boyer.

Ang Quezon City leg ay parte ng paglalakbay ng French para sa target na isa pang Olympic gold sa 2024 na kung saan ay host ang Paris.

Nalasap naman ng Germany ang kanilang ikalimang pagkatalo sa walong laro.   Pinangunahan ni Linus Weber ang Germans na may 16 puntos, samantalang si Lukas Maase ay may tatlong blocks na tumapos na may walong puntos.

Maging si Weber ay hanga sa suporta at  pagtanggap sa kanila ng Pinoy fans kahit pa nga natalo sila sa laro.

“What can I say, the best thing to do is playing good volleyball. Let’s make a good show and if they like us, they enjoyed the show,” sabi ni  Weber.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …