KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol, mangyayari ang laban sa timbang na 175 pounds dahil ayaw niyang gumawa ng anumang alibi kung ano man ang kalalabasan ng laban.
Nang unang una silang naglaban sa nasabing timbang na dinomina siya ng kampeon ay walang palusot si Alvarez kung bakit siya natalo via unanimous decision. Pero ang mga boxing fans ay maraming patama kay Canelo dahil hindi niya kailanman tatalunin si Bivol sa 175 pounds at magiging match lang ang laban kung maghaharap sila sa 168 pounds.
Ayon sa mga kritiko ni Canelo, mali ang desisyon nitong harapin si Bivol na ‘at home” sa pagiging light heavyweight.
Pero para kay Alvarez, walang mali sa naging desisyon niya sa inakyatang timbang para makaharap si Bivol. Ayon sa kanya medyo kinulang siya sa disiplina, kondisyon, at hindi niya masyadong nagamit ang kanyang high ring IQ.
Kaya kung makakapag-adjust siya sa kanyang naging kakulangan, malaki ang laban niya para talunin ang kampeon.
Ayon naman sa ilang kritiko, kung inaakala ni Canelo na hindi niya kakayaning talunin sa 175 pounds si Bivol, hindi na tutuntong ito sa harapan ng kampeon para mapahiyang muli.
“If I fight with Bivol again, I’m going to fight at 175 because I don’t want any excuses,” sabi ni Canelo Alvarez sa Friday’s roundtable kasama ang media nang tanungin siya tungkol sa posibleng rematch nila ni Bivol.
“I don’t want an excuse. IF I fight with Bivol again, I’m going to fight at 175,” tuwirang sinabi ni Canelo.
Ang realisasyon ng part 3 ng labang Canelo-Bivol ay mananatili pa ring isang kuwestiyon dahil kailangang harapin muna ni Canelo si Gennadiy Goloving sana nakatdang trilogy nila sa Setyembre 17.