Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Car Wash

Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN

HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang salakayin ng kasamahan sa trabaho sa loob ng kanilang silid dakong 2:43 am nitong Martes, 21 Hunyo, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte.

Nagresponde ang mga awtoridad sa ulat sa kanila ng isang concerned citizen na may natagpuang babae at lalaking nakahandusay sa kanilang kama na naliligo sa sariling dugo.

Pinaniniwalaang ilang beses pinagpapalo ang mga biktima ng matigas na bagay.

Ayon kay P/Maj. Zandrex Panolong, tagapagsalita ng Iligan CPO, wala pang narerekober na ebidensiya sa pinangyarihan ng krimen.

Kinilala ni Panolong ang lalaking biktima na si Jason Socoro, 27 anyos, carwash boy, idineklarang patay ng mga nagrespondeng medical personnel, habang dinala sa Don Gregorio T. Lluch Memorial Hospital (DGTLMH) ang babaeng biktimang kinilalang si Ginalyn Ambalong, 25 anyos, walang trabaho.

Kinilala rin ang suspek na isang Ramil Gabonales, residente sa Brgy. Maranding, bayan ng Lala, sa nabanggit na lalawigan.

Sa imbestigasyon, nabatid na kapwa empleyado sina Socoro at Gabonales ng Ewaton carwash na pag-aari ng isang Saadodin Pendaton.

Sa salaysay ng caretaker na si Orlando Labajo, nakatira ang mga biktima sa likod ng shop habang ang suspek ay tumutuloy sa mismong carwash shop.

Nabatid na dati nang may hindi pagkakaunawaan at personal na alitan ang biktima at ang suspek.

Nagsasagawa ang intel operatives ng hot pursuit operation para madakip ang tumakas na suspek na hindi na makita sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …