Tuesday , December 24 2024
dead

Ilang araw nang nawawala
ESTUDYANTE NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DAMUHAN

WALA nang buhay at nagsisimula nang maagnas ang katawan ng isang college student nang matagpuan sa madamong bahagi sa gilid ng Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Aaron Fernandez, 20 anyos, residente sa Brgy. Poblacion Oeste, sa nabanggit na lungsod, at 2nd year hospitality student.

Ayon sa ama ng biktima na si Anthony, naghahanap sila ng puwedeng tumulong sa kanila upang mabigyan ng hustisya ang anak. Hinanap nila kung saan-saan ang mga kakilala na puwedeng mahingan ng tulong para sa hustisya ng anak.

Inilarawan ng ama ng biktima na malambing, magalang, at mapagmahal na anak noong siya ay nabubuhay pa.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, noon pang 14 Hunyo umalis ng kanilang bahay ang biktima at simula noon ay hindi na nakauwi.

Nakita umano ang biktima na sumakay ng kotse paalis ng barangay.

May nakita ring sugat sa ulo ng biktima na posible umanong dahil sa pagpalo ng matigas na bagay.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pagpaslang sa biktima at mayroon na rin person of interest ang pulisya.

Ayon kay P/Lt. Col. Abubakas Mangelen, Jr., hepe ng Dagupan CPS, isinailalim sa awtopsiya at DNA ang labi ng biktima.

Inihayag ni P/Maj. Ria Tacderan, Acting PIO ng Pangasinan PPO, isang 29-anyos lalaki ang umaming  siya ang responsable sa pagkawala ni Aaron.

Tumanggi munang ihayag ni Tacderan ang pangalan ng lalaki habang patuloy pa ang imbestigasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …