Thursday , November 14 2024
Alan Peter Cayetano Groundbreaking Taguig City Science Terminal and Exhibit Center

Groundbreaking ceremony ng Taguig City Science Terminal and Exhibit Center isinagawa

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Taguig City Science Terminal and Exhibit Center sa loob ng DOST compound, sa General Santos Ave., Bicutan, Taguig, nitong Huwebes, 9 Hunyo.

Pinangunahan ni Senator-elect Alan Peter Cayetano, 1st District Taguig & Pateros representative, ang nasabing seremonya, isa sa proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) city government.

Pinuri ni Cayetano ang mga taong nasa likod ng nasabing proyekto.

Ayon kay Cayetano, kung ano itinanim, ito rin ang aanihin.

Kaya ang bagong gusaling itatayo ay mayroong kinalaman sa science, innovation, at technology.

Bilang isang Senador, sinabi ni Cayetano, sa  science walang administrasyon at oposisyon. Kung tama ang ginawa ng gobyerno naroon siya para sumuporta. At kung mali naroon pa rin siya para magsabi kung ano ang tamang gagawin.

Samantala, ang layunin ng pagtatayo ng 5-storey building na mayroong basement at roof deck, upang maiorganisa ang transport system sa isang lugar na maaaring mapaunlakan ang mga pasahero, commuters at pedestrians sa loob ng transport facility na maaaring maging komportable at maginhawa.

Higit sa lahat mababawasan ang pagsisikip ng trapiko sa naturang bisinidad sa pamamagitan ng pag-aalis ng pila ng sasakyan sa daanan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …