Tuesday , December 24 2024

Ayon sa bagong NSA
RED-TAGGING VS MILITANTE  ‘PANINIRANG-PURI’ — CARLOS

061022 Hataw Frontpage

WALANG puwang kay incoming National Security Adviser Clarita Carlos ang red-tagging o pagmarka sa isang tao o organisasyon bilang komunista dahil aniya’y paninirang-puri lang ito at pag-aaksaya ng oras.

Sinabi ni Carlos, ang red-tagging ay isang tamad na pamamaraan para bansagan ang isang tao na walang kasamang paliwanag at hindi nabibigyan ng tsansang ipagtanggol ang sarili lalo sa social media.

“I’m a social scientist, red tagging is labelling people, it’s really a lazy way of ID-ing people. It doesn’t explain anything ‘no, because I have to explain what those words mean so I hope people will stop using labels. ‘Wag na tayo mag-waste ng time sa mga red tagging red tagging na ‘yan because it denigrates people, walang ka-defense, defense lalo sa social media sinisigaw-sigaw mo ‘tas ayon naninira ka na ng tao tapos sasabihin mo mali hindi pala,” ani Carlos sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

“Let’s not do that as a social scientist i hope red tagging will stop because labels do not explain. Labels are not explanation,” dagdag niya.

Nananatili aniyang major security threat ang insurgency sa Filipinas dahil hindi natutugunan ang ugat ng pag-aalsa ng mga rebelde.

“We have not really rooted it out completely because we are not paying attention to the critical valuables; what are the critical variables; these are the variables that will make things change. Of course we are paying attention to giving them jobs, education, justice, but it is not enough that means what we’re doing is not enough so I say if the local peace councils are a success let us continue doing it,” sabi niya.

“Let’s continue rooting out insurgency because that is a major security threat, increasing inequality in our society which nakita n’yo sa ibang bansa had in fact led to political violence,”  giit niya.

Binigyan diin ni Carlos, ang depinisyon ng national security ay hindi dapat manggaling sa punto de vista lamang ng isang militar dahil ito’y hindi usaping pang-militar lamang.

“I’m sorry we will have to go now to the definition of national security. National security cannot just be defined by a military person because it is not just military.”

Kaugnay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ipinauubaya ni Carlos sa Kongreso ang magiging kapalaran nito kung magpapatuloy pa.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang NTF-ELCAC sa walang habas na red-tagging.

Naniniwala si Carlos, kung may nagawang mabuti ang peace and development councils na nakapaloob sa NTF-ELCAC sa mga probinsiya ay dapat itong ituloy.

“I think it is a legal personality so unless Congress changes its mind it will continue and as far as I know I have not dug up kung ano pa ‘yung ano talagang nagagawa nito, as again to repeat if you have successes if local peace council and paying attention to the insurgents whose need to be paid attention to then continue doing that,” wika niya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …