Saturday , November 16 2024
knife saksak

Manok na panabong tinangay
BINATILYO SINAKSAK SA NEGROS OCCIDENTAL

Sugatan ang isang menor de edad na lalaki matapo saksakin ng isang tricycle driver na sinasabing nakahuli sa kanyang nagnakaw ng mga manok na panabong sa Sitio Tuyuman, Brgy. Caradio-an, lungsod ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 5 Hunyo.

Ayon kay P/Lt. Markelly Laganipa, deputy chief ng Himamaylan CPS, binabantayan ng biktimang kinilalang si Regie Castino, 33 anyos, ang kanyang mga manok na panabong nang makita umano niya ang hindi kilalang lalaking ninanakaw ang mga tandang na nakatali sa kanyang bakuran.

Hinabol ni Castino ang magnanakaw at nang mahuli ay dalawang beses na sinaksak ang 17-anyos na suspek.

Nagawang makatakas ng menor de edad na suspek ngunit nahuli kalaunan ng kapitbahay ng biktima sa isang taniman ng tubo

Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang backpack na naglalaman ng dalawang manok na panabong na nagkakahalaga ng P2,500 bawat isa.

Dinala ang suspek sa Gov. Valeriano Gatuslao Memorial Hospital sa naturang lungsod.

Dagdag ni Laganipa, naiulat na nanakawan din ng mga manok ang biktima sa mga nakalipas na araw ngunit hindi matukoy ni Castino kung ang menor de edad na suspek rin ang nasa likod ng mga insidenteng iyon.

Samantala, nag-usap na umano ang dalawang panig kaugnay sa initial settlement.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …