TULUYANG nang sumuko si Senadora Cynthia Villar sa labanan ng Senate President sa pagitan nila ni re-elected Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Ito ay matapos na ihayag ni Villar sa isang ambush interview na nagbibigay-daan na siya kay Zubiri sa usapin ng Senate President.
Dahil dito tanging hihintayin na lamang kung sino ang magiging kalaban ni Zubiri para maihalal na Senate Minority Leader.
Ngunit hindi pa naman pinal ang kumposisyon ng committee chairmanship maliban na lamang sa pag-amin ni Villar na mananatili sa kanya ang Committee on Agrarian Reform at Agriculture and Food.
Kaugnay nito napag-alaman natin mula sa mapagkakatiwalaang source na mauupo namang Senate President Pro-Tempore si returning Senator-elect Loren Legarda samantalang si re-elected Senator Joel Villanueva naman ay uupong Senate Majority Leader.
Mananatili namang hahawakan ni Senador Sonny Angara ang Senate Committee on Finance at hahawakan ni Senadora Nancy Binay ang pananatili sa kanya ng committee na Tourism at makukuha niya ang Senate Committee on Accounts .
Ngunit batay sana sa orihinal na plano ay nais na ilukok si Senadora Imee Marcos na kapatid ni elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos subalit hindi na pinahintulutan pa lalo na’t kumpirmadong uupong House Speaker si elected Rep. Martin Romualdez na pinsang buo ng mga Marcos.
Hindi naman kinumpirma pa ng source natin kung mananatili sa senador na Marcos ang kanyang komite o madaragdagan ba ito o mababago pa.
Sa ngayon ay tanging ang committee chairmanship na lamang ang pinag-uusap kung sinu-sino ang mamumuno dito.
Idinagdag pa ng source na mukhang si comebacking senador Alan Peter Cayetano ang mamumuno bilang Senate Minority Floor Leader.
Bagamat ang naturang puwesto ay hinahangad ni dating Senate President Koko Pimentel.
Agad namang nagpasalamat si Zubiri sa pagbibigay daan sa kanya ni Villar upang makamit nila ang tinatawag na super majority.
Tiniyak naman ni Zubiri na mananatiling isnag independent ang senado sa kabila ng ilan sa mga miyembro ng super majority ay kaalyado ni Marcos.
Makukuha naman ni Senador Francis Tolentino ang Blue Ribbon committee, mananatili naman kay Senadora Grace Poe ang Committee on Public Services, hahawakana naman ni SEnador Win Gatchalian ang Senate Ways and Means Committee at Basic Education , kay Senador Francis “Chiz” Escudero naman ang Committee on Justice and Human Rights, si Marcos naman ang siyang mamumuno sa Committee on Foreign Relations, Senador Ramon Revilla ang Public Works, samanatalang si Senador JV Ejercito naman ang hahawaakn ng Local Government at Higher Education.
Pamumunuan naman ni Senator-elect Robin Padilla ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes samanatalang si Mon Tulfo naman ang Committee on Energy.
Binigyang-linaw naman ni Zubiri na hindi kailangan ng isang abuagdo sa hahawakang committee ni Padilla.
Tinukoy pa ni Zubiri na hahatiin nila ang Committee on Labor , Employment and Human Resources Development matapos na makalikha ng Department of Migrant Workers. (Nino Aclan)