Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anji Salvacion

Anji Salvacion big winner sa PBB Kumunity Season 10  

ANG tinaguriang Singing Sweetheart ng Siargao na si Anji Salvacion ang itanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 ng ABS-CBN sa ginanap na Big Night noong Mayo 29 sa PBB house.

Si Anji ang ibinoto ng taumbayan matapos malagpasan ang iba’t ibang hamon at pagsubok. Nakakuha si Anji ng 40.42 percent ng combined save and evict votes, ang pinakamalaki sa lahat ng Big 5, para manalo at makuha ang P2-M premyo.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Anji sa kanyang mga taga-suporta na nagdala sa kanya para magwagi.

“First of all, I want to really say thank you to God for giving me this opportunity and for giving me this biggest blessing in life. It’s not the title but it is how people trusted me. That’s my biggest, biggest blessing. How people look up to me…Tagumpay ang plano,” ‘ika niya.

Salamat sa sumusuporta sa anak ko. Thank you for believing in her,” sambit naman ng kanyang inang si Melisa Gorbulev.

Sinundan si Anji ni Isabel Laohoo ng Adult Kumunity na may 18.20 percent na tumanggap ng P500,000 at ni Samantha Bernardo ng Celebrity Kumunity (16.28 percent), na nag-uwi naman ng P300,000.

Si Rob Blackburn naman ng Teen Kumunity (4.01 percent) ang 4th Big Placer na may premyong P200,000, habang si Brenda Mage ng Celebrity Kumunity (1.19 percent) ang 5th Big Placer na panalo naman ng P100,000.

Hindi naging madali ang pag-abot ni Anji sa pangarap na maging Big Winner matapos maging nominado para sa eviction ng ilang beses noong Celebrity Edition, na siyang nagbukas ng season na ito noong Oktubre 16, 2021. Dagdag pa riyan ang pagtama ng Super Typhoon Odette na apektado ang pamilya niya sa Siargao.

Gayunman, nanatiling matatag si Anji na patuloy na ginamit ang galing sa pag-awit at paggawa ng musika at kagustuhang makatulong at manalo sa bawat task at hamon ni Kuya na siyang nagpamahal sa kanya sa mga manonood at naging daan upang siya ay maging Celebrity Kumunity Top 2 kasama si Alyssa Valdez.

Sa kanyang pagbabalik sa bahay nitong nakaraang araw, ipinakita muli ni Anji ang puso at husay kung kaya’t sila nina Samantha, na pumalit kay Alyssa, at ang comeback housemate na si Brenda, ang unang nakapasok sa Big 5.

Kabilang sa mga sumalubong sa Big 5 sa labas ng Bahay ni Kuya ang hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, Melai Cantiveros-Francisco, MayMay Entrata, Sky Quizon, Richard Juan, at Kim Chiu, kasama ang iba pang dating PBB Kumunity housemates at ex-housemates ng iconic Kapamilya reality show, na napanood ngayong season sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, TFC, iWantTFC, at Kumu. Nakasama rin sa The Big Night sina Bamboo, KZ Tandingan, Ez Mil, Jeremy Glinoga, Sab, Nene Tamayo, BINI, BGYO, at ang loveteam at Kobie Brown.   

Ito na ang ikalawang season ng PBB kasama ang Kumu, ang pinakamalaking social entertainment app sa bansa, na tumulong sa paghahatid ng saya at inspirasyon sa mga Filipino at panibagong viewing experience sa manonood ngayong pandemya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …