BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board of Canvassers (NBoC) na magbibilang ng boto at magpoproklama ng mga nagwagi nitong nakaraang 9 Mayo 2022 presidential at vice presidential elections.
Tinukoy ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pito na sina Senate President Ralph G. Recto, Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Zubiri, Senators Imee Marcos, Grace Poe at Pia Cayetano.
Iniulat na ang mga alternate ay sina Senators Manuel ‘’Lito’’ Lapid, Pia Hontiveros, Aquilino Pimentel III, at Ronald dela Rosa.
Gagawin ang canvassing sa House of Representatives complex na magbubukas dakong bukas 10:00 am.
Sina Senate President Vicente C. Sotto III, at House of Representatives Speaker Lord Allan Velasco ang magbubukas ng dalawang kapulungan para sa joint session ngayong umaga.
Gaganapin ang bilangan sa House of Representatives complex simula 10:00 am ngayong araw.
Kapag naaprobahan ang mga panuntunan sa joint canvassing sa loob ng isang oras, at habang inihahanda ng NBoC ang mga partikular, agad magsisimula ang joint canvassing, ani Zubiri.
Ani Zubiri, inaasahang ang canvassing ay matatapos sa loob ng dalawang araw dahil magtatrabaho sila mula 10:00 am hanggang 10:00 pm sa unang araw at sa susunod na araw hanggang mabilang ang 173 Certificates of Canvass (COCs) mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang mga nanggaling sa ibang bansa.
Umaasa si Zubiri na maiproproklama sa Miyerkoles ang mga nanalong presidente at bise presidente. (NIÑO ACLAN)