Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Janelle Tee Putahe

Ayanna big challenge ang lovescenes kay Janelle 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBINIGAY na raw lahat ni Ayanna Misola for Putahe movie. Bilang paghahanda na rin sa susunod niyang mas malaking proyekto sa pagsalang niya sa Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili na ginawa noon ni Dina Bonnevie.

No boyfriend muna, kahit pa manliligaw for Ayanna now. Kahit ang daming umaaligid sa kanya.

How she did it with her lovescenes with Janelle Tee?

Big challenge po. Kahit magkakilala at nagkaka-bonding na kami ni Ate Janelle, sa shoot ang dami ko ring inalala. Kasi walang koryente. Ang tubig iigibin pa para makarating sa amin. Siyempre, lovescenes, halikan, ganoon. Gusto mo naman mabango ka para sa mga makaka-eksena mo. Ayun. Nagawa naman namin ng maayos lahat. Hindi po ba  naamoy na wala akong shampoo? O mas naging natural pa? Panatag na lang kaming dalawa sa trust sa isa’t isa na kailangan naming gawin ng tama ang lahat ng sinasabi ni direk. Even with the boys.”

So many symbolisms were used in the movie. Sa mga pagkain. O putaheng inihahain. At ang dalawang babaeng magkaibang putahe pero parehong pinagnasaan ng parehong kasarian.

Si Janelle, na kabado rin at nag-worry din sa image niya was very proud sa kinalabasan ng mga eksena niya.

She wore pink at the advanced screening, para lang sabihing isa pa rin siyang tunay na babae.

Walang eksenang makao-offend sa babae man o lalaki o kahit pa sa mga kapatid nating LGBTQIA. 

LSS sa akin ang Victor song na Kay Lupit Mo Pag-Ibig. Brought back childhood memories. Naging movie pa nila ‘yan nina Aurora Salve at  Rhodora Silva. Under YLY Productions.  Alam ko? Yes! Basta!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Yasser Marta Robb Guinto Louie Ignacio Desperada

Robb Guinto piniga ni Direk Louie Ignacio sa acting sa pelikulang “Desperada”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang “Desperada” na pinagbibidahan ng sexy actress na …

Sam Milby Catriona Gray

Sam Milby nag-react sa interview ni Catriona Gray

ni Allan Sancon HININGAN ng reaksiyon ni MJ Felipe ng TV Patrol si Sam Milby sa panayam sa ex-fiancee niyang si Catriona …

Art Halili Jr Pilar Mateo

Art Halili Jr kahanay ni Kathryn sa dami ng ineendoso

HARD TALKni Pilar Mateo TUWANG-Tuwa si Art Halili, Jr. nang pumasok siya sa list ng katotong Jobert Sucaldito sa …

Boots Anson-Roa Barbie Forteza

Boots pinahanga ni Barbie: ang galing sa nuances, magugulat ka

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG pagsasama sa isang pelikula nina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Barbie Forteza, at Ms. …

Barbie Forteza Charo Santos

Barbie natulala, nagpaka-faney kay Ms Charo

RATED Rni Rommel Gonzales NATULALA si Barbie Forteza nang una niyang nakaharap si Ms. Charo Santos-Concio. “Naaalala ko …