Friday , November 15 2024
ombudsman

Sa panahon ng eleksiyon 
ISKO et al SINAMPAHAN NG KASONG GRAFT  SA OMBUDSMAN
Divisoria vendors umalma

PORMAL nang naghain ng reklamo ang Divisoria vendors laban sa ilang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa tanggapan ng Ombudsman sa paglabag sa Republic Act No. 3019, kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kinakatawan nina Emmanuel Plaza, Eduardo Fabrigas, Rogelio Bongot, Jr., Betty De Leon, at Lourdes Estudillo, mga opisyal ng Divisoria Public Market Credit Cooperative, ang pagrereklamo laban kina Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila; Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan, Bise-Mayor at Presiding Officer ng Konseho ng Lungsod ng Maynila; Konsehal Joel Chua; Konsehal Ernesto Isip, Jr.; Bernardito Ang, Kalihim ng Alkalde at Tagapangulo ng Asset Appraisal And Disposition Committee; at Assistant Secretary to the Mayor, Manuel M. Zarcal.

Si Chua ay nag-sponsor ng Resolution No. 171 Series of 2020 na nagpapahintulot kay Domagoso na pumasok sa isang kontrata sa “sinomang kagalang-galang na korporasyon o nilalang, na mas makikinabang ang Lungsod,” para sa pagbebenta ng patrimonial property na pag-aari ng Lungsod, may Transfer Certificate of Title (TCT) No. 10319. Ito ay  matatagpuan sa lumang Divisoria Market, may pinagsama-samang lawak na mahigit 8,038.70 square meters. 

Sa ilalim ng Resolution No. 180 S. 2020, ang Konseho ng Lungsod, sa representasyon ni Assistant Secretary to the Mayor, Zarcal, sinabing ang ari-arian na nakarehistro sa ilalim ng TCT No. 10319, ay patrimonial property, at inulit na si Domagoso ang nagbenta sa nasabing ari-arian.

Naibenta umano ang nasabing patrimonial property nang hindi nagsasagawa ng angkop na hakbang at abiso sa mga maapektohan ang karapatan at interes sa nasabing ari-arian.

Sinabing ang pagbebenta ay bilang tugon sa mga kagyat na pangangailangang pinansiyal ng Lungsod sa panahon ng pandemya. 

                Sa Resolusyon Blg. 171 at 180, S. 2020, kasama ang Deed of Sale, ang walang pasubaling pagbebenta ng Divisoria Public Market ng Sangguniang Panlungsod ay dulot ng ‘endorsement’ na madaliang inihanda  ni Konsehal Joel Chua, sinuportahan ng sulat ni Assistant Secretary Manuel Zarcal.

Sinabi ng mga nagreklamo na ito ay tahasang pagyurak sa mga karapatan at interes ng Divisoria Public Market vendors, at malaking kawalan sa pamahalaan, sa publiko at sa pangkalahatan, sa mga kinikilalang may hawak ng stall, vendor, at bona fide mangangalakal sa Divisoria Public Market. 

Ang kasunod na Resolusyon Blg. 259, Serye ng 2020, inendoso ni Konsehal Chua, at partikular na nag-awtorisa sa “Festina Holdings, Inc., para ‘muling paunlarin’ ang Divisoria Mall sa pamamagitan ng pagtatayo ng hanggang 50 palapag na gusaling komersyal.

Kasunod nito idineklarang ‘condemn’ ang Divisoria Mall kaya dapat gibain (i-demolish).

Nawala sa lungsod ng Maynila hindi lamang ang aktwal na halaga ng nakatayong Divisoria Mall, na inaasahan sa natitirang termino ng kasunduan sa pag-upa, ngunit higit pa, ang hindi mabibiling pamana at kasaysayan na kilala ang Divisoria – bilang isang public market.  

Sa totoo lang, ang mga inireklamo ay dapat managot para sa pagmamataas at pagkimkim ng kapangyarihan nito, pag-abuso, hindi awtorisadong pagbebenta ng pamanang kultural, at pagpabor sa isang pribadong holding corporation, na may 40 porsiyentong Chinese ownership.

Ito ay makikita sa General Information Sheet na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC).  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …