HANDA na ang lahat sa pagtulak ng NM Zulfikar Aliakbar Sali 2022 Inter-Cities & Municipalities Chess Team Championship sa Mayo 21-22, 2022 sa Zamboanga City.
“Each team composed of three players with a maximum NCFP average rating 2100,” sabi ni tournament organizer National Master Zulfikar Aliakbar Sali.
Ipatutupad ang eleven round Swiss system format na may 15 minutes plus 10 seconds increment.
Nakalaan sa team champion ang P50,000 . Habang ang second placer ay tatanggap ng P30,000, third ay P20,000, fourth ay P15,000 at fifth ay P10,000.
“Ang mga teams na lalahok ay magmumula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, kasama ang Metro Manila, Cebu, Iloilo, Negros, Pagadian, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, General Santos, Davao del Norte, Digos, Davao City, Dipolog, Jolo, Tawi-Tawi, Basilan, at Zamboanga City,” sabi ni Sali.
– Marlon Bernardino-