Sunday , December 22 2024

Kapalpakan ng Pulse Asia ibinuking
RESULTA NG HALALAN POSIBLENG MALAYO SA SURVEY

IBINUKING ng dating Secretary General ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na posibleng maging malayo ang resulta ng halalan sa Mayo sa datos ng Pulse Asia survey dahil sa ilang mga sablay ng polling firm.

Sa isang artikulo, sinabi ni Romulo Virola, napansin niya sa pa-survey ng Pulse Asia noong 18-23 Pebrero, kulang ang kinatawan mula sa mga kabataan o iyong tinatawag na Gen Z at millennials kung ikokompara sa voting age population ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Binanggit niya, ang 18-24 age group o iyong mga isinilang sa pagitan ng 1998 hanggang 2004 ay “underrepresented” ng 46 porsiyento.

Sa 25-34 age group o iyong mga isinilang sa pagitan ng 1998 hanggang 2007, sinabi ni Virola na kulang ang kinatawan mula sa nasabing hanay ng 12 porsiyento.

Pagdating sa 18-41 age group, kulang ang kinatawan nila ng 16 porsiyento.

Aniya, malabo kung ikakatuwiran ng Pulse Asia na hindi interesado ang mga nasabing age group na lumahok sa survey.

Sobra ang kinatawan sa sample ng Pulse Asia ng 46 porsiyento ang mga nasa edad 55 hanggang 64 o iyong mga isinilang sa pagitan ng 1958 hanggang 1967.

Sa hanay ng 65 anyos pataas, nasa 38 porsiyento ang sobra.

Sa pagtaya ni Virola, posibleng maging malayo ang resulta ng darating na halalan sa mga survey na inilabas ng Pulse Asia dahil sa mga problemang ito.

“The Pulse Asia 18-23 February survey could be way off!” wika ni Virola.

Dagdag niya, posibleng may mga kandidato na sisigaw na sila’y dinaya kapag lumabas ang resulta ng eleksiyon sa Mayo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …