Wagi at namamayagpag sa tuktok si ang kandidata sa pagka-Senadora at kongresista ng Antique na si Loren Legarda sa pinakabagong Pulso ng Pilipino Senatorial Preference survey na sinagawa noong Abril 4 hanggang 15.
Pinili si Legarda ng 65% ng mga taga-NCR, 57% ng mga taga-kalakhang Luzon, 62% ng mga taga-Visayas, at 55% ng mga taga-Mindanao. Siya rin ang piniling “number one” ng 60% ng 2440 na mga sumagot ng survey.
Nakasama sa Magic 12 sina Sorsogon governor Chi Escudero, Kongresman Alan Peter Cayetano, Senador Migs Zubiri, dating DPWH secretary Mark Villar, dating brodkaster na si Raffy Tulfo, dating Senador JV Ejercito, Senador Sherwin Gatchalian, aktor na si Robin Padilla, Senador Joel Villanueva, dating Defense Secretary Gibo Teodoro, at Senador Risa Hontiveros.
Madalas nasa top 3 ng mga nakaraang survey si Legarda. Siya rin ay ine-endorso ng iba’t ibang grupo, ilan sa mga ito ang PDP LBN, TUCP, at samahan ng mga senior citizens dahil sa kalidad ng kanyang serbisyong publiko.
Si Legarda ay kinikilala rin bilang kampeon ng kalikasan. Siya ay madalas nagsasalita at naninindigan laban sa climate change at nagpapaalalang dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran. Siya rin ay sumusuporta’t lumalaban para sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Marami na rin siyang naisulat at naipapasang batas nagtatanggol sa mga biktima ng karahasan.