MULI na namang pinatunayan ng Google Trends na mas akma itong sukatan kompara sa surveys nang mahulaan ang lamang ni Emmanuel Macron kay Marine Le Pen sa halalan sa pagkapangulo sa France.
Nakita ng mga survey na malaki ang agwat ni Macron kay Le Pen ngunit sa pag-aaral ng data scientist na si Wilson Chua gamit ang Google Trends, lumabas na mahigpit ang magiging labanan sa pagitan ng dalawa.
Ayon kay Chua, nakakuha si Macron ng 10 habang may 9 naman si Le Pen pagdating sa interest over time ng Google Trends noong 21 Abril.
“As of April 22, 2022, Macron is 12, Le Pen is 11. The race is even tighter,” wika ni Chua.
Gaya nang nakita ng Google Trends, nakakuha si Macron ng 58.6 porsiyento para sa panibagong limang taong termino habang may 41.5 porsiyento si Le Pen.
Ito’y isa lang sa maraming tamang prediksiyon ng Google Trends sa resulta ng halalan sa iba’t ibang bansa.
Tama ang prediksiyon ng Google Trends sa mga resulta ng halalan sa Estados Unidos simula noong 2004, simula nang ideklara nito ang panalo ni George W. Bush kay John Kerry, na siyang paborito noon sa ground surveys.
In 2012, Google Trends predicted a Barack Obama victory over Mitt Romney despite the former trailing in various surveys. Obama went on to serve for two terms as president.
Noong 2012, nakita ng Google Trends ang panalo ni Barack Obama kahit lamang si Mitt Romney sa ground surveys. Nagsilbi si Obama ng dalawang termino bilang pangulo.
Idineklara ng Reuters noong 2016 na 90 porsiyentong tiyak ang panalo ni dating First Lady Hillary Clinton kay Donald Trump ngunit nanalo ang huli gaya ng prediksyon ng Google Trends.
Noong 2020, paborito si Trump sa lahat ng election predictor models ng Moody’s ngunit nakita ng Google Trends ang panalo ni Joe Biden.
Ganito rin ang naging karanasan ng Brazil, Spain, at Canada sa kanilang mga halalan noong 2019, tumama ang prediksyon ng Google Trends sa mga nanalong kandidato at hindi ang mga survey.
Sa Filipinas, malaki ang lamang ni Vice President Leni Robredo sa nangunguna sa survey na si Ferdinand Marcos, Jr., pagdating sa Google Trends. Si Robredo ay may bitbit na 66 porsiyento kontra sa 30 porsiyento ng kanyang katunggali.
Pagdating sa sentiment analysis, angat si Robredo na may 26.4 porsiyentong positive sentiment kompara sa 12.8 porsiyento ni Marcos. Sa negative sentiment naman, una si Marcos na may 25.7 porsiyento kompara sa 18.3 porsiyento ni Robredo.
Ayon kay persuasion specialist Alan German, mas tamang sukatan at tama ang resulta ng Google Trends kompara sa ground surveys dahil tinatantiya nito ang galaw kung sino ang posibleng iboto ng tao.