Tuesday , December 24 2024

 ‘Agri-smuggling’ prente ng shabu

042722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAAARING prente lang ng sindikato ng ilegal na droga mula sa China ang talamak na agri-smuggling o pagpupuslit ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Ipinaliwanag ni Jarius Bondoc, isang beteranong mamamahayag, sa kanyang pitak na Gotcha sa Philippine Star, kaduda-duda ang mga ipinupuslit na produktong agrikultural, karamihan mula sa China, kahit hindi naman kapos ang supply sa Filipinas, bagsak ang presyo kompara sa umiiral na halaga sa bansa kaya’t imposibleng kumita ang smugglers kung hindi sisingitan ng mga kontrabando gaya ng shabu.

Bukod rito’y habangbuhay na pagkabilanggo ang parusa para sa kasong economic sabotage kahit isang milyong halaga lamang ng smuggled agricultural produce at hindi puwedeng maglagak ng piyansa habang nililitis ang kaso.

“Yet smugglers sell the contraband at only a fraction of domestic rates. It’s like they just want to unload the illegal goods even at no profit. Why take such inordinate risk?” ani Bondoc.

“Could the agricultural contraband be mere cover for more profitable trafficking – say, narcotics?” dagdag niya.

Ayon kay Bondoc, ang bulto ng shabu ay nagsimula sa China at mula noong dekada ‘90 ay nagbanta na si noo’y National Security Adviser Jose Almonte na may ikinasang pakana ang Chinese Communist Party para ‘palambutin’ ang paninindigan ng Filipinas.

Pangunahin aniya sa balak ay sa pamamagitan ng drug addiction o ilululong sa shabu ang mga Pinoy.

Kasama rin sa plano ay impluwensiyahan ang mga opisyal ng Philippine government, academics at businessmen.

“The bulk of shabu (meth) originates from China too. Since the 1990s, Gen. Jose Almonte has warned of a Chinese Communist Party plot to soften the Philippine state. Foremost is by drug addiction; another is by influencing then indoctrinating Filipino officials, academics and businessmen.”

Ani Bondoc, sinabi ni Almonte na ang mga heneral ng People’s Liberation Army ang nanguna sa shabu smuggling sa Filipinas at sa mga karatig bansa.

Sinisimulan na noon ng China, ani Bondoc, ang pangangamkam ng 25 shoals at reefs sa South China Sea, kabilang ang pito mula sa Filipinas: Kagitingan (Fiery Cross), Zamora (Subi), McKennan (Hughes), Calderon (Cuarteron), Mabini (Johnson South), Burgos (Gaven) at Panganiban (Mischief).

Sa simula aniya ay niluluto ang shabu sa mainland China pero kalauna’y ipinasa ito sa opium makers sa mga bansa sa tinaguriang Golden Triangle, ang Thailand, Laos, at Myanmar. 

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili aniyang talamak ang shabu trafficking sa Filipinas sa kabila ng madugong drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte .

Napakalaki pa rin aniya ang tagatangkilik ng shabu sa bansa na ayon mismo sa PNP Drug Enforcement Group head Gen. Romeo Caramat noong 2019 ay may tatlong milyong adik.

Batay sa pahayag ni Caramat, bawat isang drug addict ay gumagamit ng isang gramo ng shabu kada lingo at ito’y katumbas ng 3,000 kilo bawat lingo na nagkakahalaga ng P25 bilyon.

Napakaliit na bahagi ng 3,000 kilo konsumo ng shabu kada linggo ang ipinamagmalaking accomplishment ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula 1 Hulyo 2016 hanggang 30 Hunyo 2019 na nakompiskang 4,409 kilo batay sa ulat ng #RealNumbersPH.

Giit ni Bondonc, katumbas lamang ito ng isang linggo’t kalahating konsumo ng nakompiskang shabu sa loob ng 156 linggo at pagkamatay ng 7,000 katao, kasama ang mga awtoridad.

“During that same period, PDEA dismantled 14 clandestine shabu labs; hardly any remain today because they are easily detectable by foul odor fumes. Easier to sneak in shabu by various means: inside printing machine cylinders, magnetic lifters, mannequins, tea bags. In the early 2000s, shabu was interspersed with CFL bulbs, which was why those retailed at giveaway P11 apiece. Narco-traffickers recently tried tapioca starch as decoy,” sabi ni Bondoc.

“So why not also smuggled and over-imported agricultural products as fronts?”

Ang isang kilo aniya ng shabu ay may street value na P8 milyon na kasya sa one-kilo bag ng asukal at kung ipupuslit ito ng isang tonelada, P8 bilyon.

“Same risks – life term, no bail – but infinitely bigger profit. No wonder.”

Magpapatuloy at lalala aniya ito kung ang mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente ay magwawagi sa halalan sa Mayo.

“This can go on if China’s candidates for president and VP win. Leading in preferential surveys, they vow to continue present programs. Meaning retain crooked officials, bribing racketeers and kinsmen-protectors. China’s drugging of Filipinos will worsen,” pagtatapos ni Bondoc.

Sa ginanap na pagdinig sa Senate Committee of the Whole ay inamin ni retired police general at Agriculture Undersecretary Federico Laciste, Jr., may matataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod ng agri-smuggling sa bansa ngunit makaraan ang ilang araw ay binawi niya ang pahayag.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …