Sunday , December 22 2024
Robin Padilla

Pambansang gasolinahan isusulong ni Robin

Isusulong ni senatorial candidate Robin Padilla ang pagtatayo ng pambansang gasolinahan sa bansa para sa mga pampublikong sasakyan kung saan sila makakabili ng mas murang gasolina sa pamamagitan ng subsidiya ng pamahalaan.

Ayon kay Padilla, tumatakbong senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ang walang patid na pagtaas ng presyo ng gasolina ang ugat ng maraming problema ngayon sa bansa. Dagdag pa rito, aniya, ang kamakailang pagsipang muli ng presyo ng gas dahil sa digmaang UK-Russia.

Humarap si Padilla sa tinatayang 3,000 bikers ng Angkas, ang itinuturing na lider sa motorcycle riding taxi sa bansa sa katatapos lamang na Angkas Safety Fiesta at ipinarating sa mga katulad niyang biker ang kanyang mga plataporma para sa nasabing sektor sakaling sya ay mahalal na senador.

“Ang mataas na presyo ng gasoline ang ugat ng ating mga problema. Sa bawat pagtaas ng presyo ng krudo, hinahagupit nito ang lahat ng sektor, lahat ng industriya, at lalung lalo na ang sektor ng transportasyon. Kahit mga private car owners ay umiiyak ngayon sa presyo ng gasolina, paano pa kaya ang ating mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan? Dahil mahal ang gas, mas maliit na ang kanilang kikitain at kakarampot ang maiuuwi sa pamilya. Pag tumagal pa, siguradong hihiling sila sa gobyerno na itaas ang pamasahe, na magiging dagdag pasanin naman sa publiko,” dagdag pa ni Padilla.

Dahil dito, sinabi ng actor-senatoriable na makabubuti para sa lahat na magkaroon ng Pambansang Gasolinahan na ekslusibo lamang para sa mga pampublikong sasakyan kung saan mas mababa ang presyo ng krudo kaysa sa merkado para mabigyang-proteksyon ang kita ng mga pampublikong tsuper. Kabilang dito ang mga driver ng pampasaherong jeep, tricycle, taxi at mga ride-hailing passenger apps, bus at maging mga motorcycle taxi drivers.

Sa panukala ni Padilla, bibigyan ng subsidy ng pamahalaan ang nasabing Pambansang Gasolinahan upang mapanatili ang presyo nito sa abot-kaya lamang ng mga pampublikong tsuper.

Dagdag pa nya na maaaring magtayo ng pambansang gasolinahan sa mga istratehikong lugar kung saan mataas ang volume ng mga public transport drivers.

Ang suhestiyong ito ni Padilla ay sinalubong ng masigabong palakpakan ng Angkas bikers na sumang-ayon sa nasabing panukala at nangako ng suporta para sa kanyang kandidatura.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 18-milyon ang motorcycle owners sa bansa, karamihan dito ay gamit ang kanilang motor para sa negosyo; 250,000 naman ang opisyal na bilang ng pampasaherong dyip at humigit-kumulang sa 13,000 bus ang pumapasada sa buong bansa kada araw.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …