NAGKAABERYA ang Games 6 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts kaya hindi natuloy nung Miyerkoles ang laro sa Smart Araneta Coliseum.
Nakansela ang nasabing laro nang pasukin ng makapal na usok ang venue dahil sa sunog na naganap sa isang construction site na katabi ng Big Dome.
BAgama’t naapula ang apoy bandang ala-una ng hapon, nagpatuloy pa rin ang pagpasok ng usok sa loob ng venue.
Dahil sa nangyaring insidente, nagpasya ang PBA Commissioner’s Office na ilipat ang venue ng Game 6 sa pagitan ng Gin Kings at Bolts sa MOA Arena sa Pasay City.
Humigit-kumulang sa 20,000 bilang ang sasaksi sana sa mainit na bakbakan ng dalawang koponan na ang Gin Kings ay asam ang titulo samantalang misyon naman ng Bolts na itabla ang serye sa 3-3.
Sasalang ang Ginebra na taglay ang kartang 3-2 sa MOA, at ang Meralco ay asam na pahabain pa sa isang laro ang finals series at asamin din ang titulo ng Governors’ Cup.