Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Riel Casimero BBBofC GAB

Kaparusahan ng BBBofC  kay Casimero pinaiimbestigahan ng GAB

IPINAG-UTOS  ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang masinsin na imbestigasyon hinggil sa ipinataw na kaparusahan ng British Boxing Board of Control (BBBofC) laban sa Pinoy boxing champion na si John Riel Casimero.

Nitong Miyerkoles, ipinag-utos ni Mitra sa GAB Boxing and Other Contact Sports Division na magsagawa ng ‘independent investigation’ upang matukoy kung tama ang naging desisyon na alisin si Casimero sa nakatakdang boxing promotion bunsod ng paglabag sa ‘medical guidelines’ ng boxing association.

Nakatakdang idepensa ni Casimero ang  WBO bantamweight title laban sa hometown challenger na si Paul Butler sa Liverpool, Englad sa Biyernes (Sabado sa Manila). Ngunit, tinanggal sa boxing card si Casimero dahil sa paggamit nito sa sauna bago ang opisyal na weigh-in na isa umanong paglabag sa boxing regulation.

Ipinarating ng BBBofC ang naging desisyon sa manager ni Casimiro na si Mr. Egis Klimas.

“As the country’s pro boxing regulatory agency, we strongly condemn and discourage the commission of any illegal acts or violation of boxing rules. We will surely look into this and summon Mr. Casimero and his team to shed light on the issue,” pahayag ni Mitra.

Orihinal na nakatakda ang laban ni Casimero kay Butler nung Disyembre 2021 ngunit naunsiyami matapos magtamo ng viral gastritis ang Pinoy champion. Binawi ang naturang korona kay Casimero subalit, naibalik din kalaunan matapos mapatunayan ng WBO na nagtamo nga ng karamdaman si Casimero.

Ipinalit ng WBO si Jonas Sultan, pambato ng Zamboanga del Norte, kay Casimero para sa  interim WBO bantamweight title fight kontra Butler.

Naging ganap na world title contender si Sultan nang labanan ang kababayan ding si Jerwin Ancajas para sa IBF belt noong 2018. Nagawa naman niyang talunin  si Casimero sa world title eliminator.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …