Friday , November 15 2024
Bus Buses

Panawagan ni Tesdaman
ORAS NG BIYAHE NG PROVINCIAL BUSES ISAALANG-ALANG

NANAWAGAN si reelectionist Senator Joel  “Tesdaman” Villanueva sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling ikonsidera ang implementasyon ng itinakdang oras ng biyahe ng provincial buses mula 10:00 pm hanggang 5:00 am. 

Ayon kay Villanueva, dapat isaalang-alang at alalahanin  ang kapakanan ng commuters at mga provincial bus operators and drivers sa implementasyon ng bagong provincial bus scheme.

Iginiit ni Villanueva, dapat bigyan po ng maayos at abot-kayang alternatibo ang mga provincial commuters para makabiyahe habang business hours sa Metro Manila.

Hiniling ni Villanueva, dapat bigyan ng karampatang panahon ang commuters bago ipatupad ang bagong scheme para makapag-adjust ang provincial busses.

“Bilang tubong Bulacan, ramdam po natin ang pahirap na ito para sa ordinaryong taga-probinsiya na madalas bumibiyahe patungong Metro Manila,” ani Villanueva.

Dagdag ni Villanueva, dapat din pag-aralang mabuti ng ating mga ahensiya ang epekto ng desisyong ito sa mga commuter na nakasalalay ang kanilang kabuhayan sa araw-araw na biyahe ng provincial buses.

“Nakasalalay rin po rito ang kita ng provincial bus operators at mga drivers nito, dahil nakabase sa rami ng kanilang mga pasahero ang kanilang kita,” dagdag ni Villanueva.

Paalala ni Villanueva, dapat din alalahanin  na bumabangon pa lang po tayo mula sa mga pandemic lockdown, at maraming kabuhayan ang nakasalalay sa provincial bus routes.

“Nakataya po sa desisyong ito ang ekonomiya ng Metro Manila at mga karatig probinsiya. Gaya po ng ating panawagan noon sa MMDA na pag-aralang mabuti ang economic impact ng panukalang panibagong number coding scheme, isipin po natin kung para saan pa ang maluwag na trapiko kung wala namang masakyan ang mga tao,” pagwawakas ni Villanueva. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …