Tuesday , December 24 2024

Ayuda para sa liga ng mga barangay sa Maynila missing?

DAPAT magpaliwanag ang Liga ng mga Barangay sa Maynila hinggil sa inilabas nitong P11.6 milyong pondo noong 2020 para sa ayuda ng mga opisyal at empleyado sa mga barangay.

Pumutok ang isyu nang kuwestiyonin kamakailan ni Manila Liga ng mga Barangay Auditor Nelson Ty ang nasabing pondo matapos magreklamo sa kanya ang mga kapwa barangay officials kung paano ipinamahagi ang kontrobersiyal na pondo.

Sa resolusyong inilabas noong 21 Abril 2020, pinayagan ng Liga ang paglalaan ng supplemental budget na P11,648,000 para sa implementasyon ng Barangay Amelioration Crisis Assistance Fund (BACAF).

Ang pondo, na nagmula sa seminar saving ng liga, ay inilabas sa gitna ng pananalasa ng coronavirus disease at matapos ideklara ng pamahalaan ang national health emergency.

Ayon sa resolusyong nilagdaan ng presidente ng Liga na si Lei Lacuna at mayorya ng mga opisyal, ang pondo ay para sa mga opisyal at empleyado ng 896 barangay sa Maynila.  

Nakadetalye rito na tig-P2,000 ang matatanggap ng bawat barangay chairman, habang tig-P500 naman ang bawat kagawad, secretary, at treasurer.

Pero kung susumahin, ayon kay Ty, chairman din ng barangay 289 sa Binondo, tila mayroong hindi tama sa kuwentada ng pondong inilabas ng liga.

Ayon kay Ty, bawat barangay ay tatanggap ng kabuuang P6,500.  Ang barangay chairman ay tatanggap ng P2,000;  sa pitong kagawad ay P3,500; at P1,000 sa barangay secretary at treasurer.

“Kaya nga, kung P6,500 kada barangay at meron kaming 896 barangay sa Maynila, lumalabas na P5,824,000 lamang ang kabuuang pondo para rito,” dagdag ni Ty.

“Nasaan na ‘yung natitirang P5,824,000?” dagdag ni Ty.

Nagtataka rin aniya siya kung bakit may ilang barangay ang dalawang beses na nakatanggap ng nasabing ayuda.

Sa kanya umanong pagtatanong sa mga kapwa barangay officials, sinabing marami sa kanila ang hindi nakatanggap ng ikalawang ayuda habang ang iba naman ay talagang walang tulong na natanggap mula sa Liga.

Paliwanag ni Ty, wala rin umanong tinutukoy sa resolusyon na dalawang beses o dalawang tranches ang gagawing pamamahagi ng ayuda.

“Kaya dapat sigurong magpaliwanag dito ang presidente ng Liga na si Lei Lacuna kung bakit doble ang pondo pero kalahati lang ang natanggap ng maraming barangay at ang iba ay wala talagang natanggap,” dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Ty, maliit ang kinukuwestiyong pondo kumpara sa laki ng pera ng mga barangay na naibayad sa liga para sa seminar ngunit hindi naman naisagawa bunsod ng pandemya.

Sakabila nito, hindi maibalik ng liga ang perang ibinayad ng mga barangay para sa nasabing seminar.

Katwiran pa umano ng presidente ng liga na si Lacuna hindi na maibabalik ang pera dahil naibayad na ito sa hotel at bus company na sana ay gagamitin sa nasabing seminar.  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …