Friday , November 15 2024
Ping Lacson OFW Seaman

OFW, seamen protektado sa Ping presidency

SINISIGURO ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson, maayos na ipatutupad ang mga batas na nilikha para maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa ilalim ng kanyang panunungkulan dahil sa kanyang mahigpit na pagbabantay sa katiwalian at pang-aabuso.

Kabilang rito ang implementasyon ng Batas Republika 11641 o ang Department of Migrant Workers Act na nakapaloob ang pamamahagi ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) fund bilang tulong legal, medikal, pinansiyal para sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa, kabilang ang mga mandaragat.

“So, ‘yung insurance, ‘yung SSS, tapos ‘yung reintegration program. Pagbalik nila rito sa Filipinas, meron silang inaasahan na ma-reintegrate sila sa ating labor sector dito,” ani Lacson sa kanyang pagbisita sa munisipalidad ng Estancia sa lalawigan ng Iloilo.

Nitong Martes (19 Abril), itinuloy ni Lacson ang pagsasagawa ng town hall meeting sa nasabing bayan kasama ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor at residente sa Iloilo na nais mapakinggan ang kanyang alok na programa sa gobyerno bilang pangulo.

Dito naitanong kay Lacson ng isang magulang kung ano ang malinaw niyang plano para sa mga katulad ng kanyang anak na isang OFW na nakakaranas din ng hirap sa pagpoproseso ng kanilang mga kinakailangang dokumento para sa trabaho.

Ayon kay Lacson, dahil sa batas na lumikha sa bagong kagawaran ay magkakaroon ng pagbabago sa ganitong kalakaran. Nakasaad dito na magiging magkasama ang mga ahensiya para sa mga OFW na dati ay nasa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Kasi magulo pa no’n, hiwa-hiwalay. Ngayon, pinag-integrate under one department… Alam na ninyo kung saan kayo pupunta ngayon dahil sila magkakaroon sila ng egional offices, provincial offices – mas accessible na,” ani Lacson.

“So, hindi na mangyayari ‘yung pinagtuturu-turuan pati ‘yung inaabuso ‘yung ating mga OFW maa-attend-an doon sa Department of Migrant Workers na ipinasa ng Kongreso,” dagdag ng presidential candidate.

Sa ngayon ay pinaplantsa na lang umano ang implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas upang maipatupad na ito. Batay sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) nitong Enero, nakatakdang magsimula ang operasyon ng nasabing departamento sa 2023.

Bubuin ito ng mga opisyal at tauhan mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA); Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA); Philippine Overseas Labor Office (POLO), National Reintegration Center for OFWs, National Maritime Polytechnic (NMP) na pawang nasa ilalim ng DOLE; at Office of National Social Welfare Attaché (OSWA) mula naman sa Department of Social Welfare and Development.

Para kay Lacson, kung maayos na maipatutupad ang nasabing batas ay mabibigyan ng pagpipilian ang mga OFW na huwag nang mangibang-bansa para magkaroon ng hanapbuhay o kaya naman ay magkakaroon sila ng dagdag na abilidad upang mas maging mahusay sa kanilang napiling mga propesyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …