Friday , November 15 2024
Alex Lopez

Food packs, senior citizen social amelioration ipinalalabas sa petisyon

OPISYAL nang nagsumite ng petisyon ang kampo nina Atty. Alex Lopez para sa agarang pagpapalabas ng mga foodpacks at senior citizen allowance ng mga Manilenyo, na inihain sa pamahalaang lungsod ng Maynila at sa Commission on Elections (Comelec).

Nilagdaan ang naturang petisyon nila mayoral bet Atty. Lopez, at Atty. Bimbo Quintos, tumatakbong konsehal sa ikaapat na Distrito ng Maynila.

Hinihiling nina Lopez ang agarang ‘release’ ng foodpacks at senior citizen social amelioration na dapat sana ay noon pang Marso natanggap ng mga Manilenyo at hindi kailangan ipamahagi bago sumapit ang May 9 election ng taong kasalukuyan.

“We condemned the politicization of the release of these food packs and senior allowance. It should not be release days before the election, so as not to influence the decision of the voters,” pahayag ni Atty. Lopez.

               Aniya, posibleng makaimpluwensiya ang ganitong estilo sa magiging desisyon ng mga botante.

Isa umanong ‘bulok’ na pamamaraan ng pamomolitika ang ganitong uri ng hakbang para lamang tumatak sa isipan ng mga botante na mayroon silang malasakit, ang totoo inipit nilang ilabas ang mga dapat sana’y noon pa natanggap ng mga Manilenyo.

“The delay of the release shows that the city council and the vice mayor do not have the best interest of the people, but only their selfish interest,” wika ni Lopez.

Sinabi ni Atty. Alex, tahasang ipinakikita ng city council at ng Vice Mayor ng Maynila na hindi mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan, kung hindi ang pangsarili lamang nilang mga hangarin sa buhay.

“This is the reason why Manilenyos are hungry because of the selfish interest of the chosen few of the council. Ibinibinbin nila ang pagpapalabas ng foodpacks at senior citizen social amelioration upang maimpluwensiyahan ang darating na eleksiyon. It should be distributed with timeliness,” dagdag ni Atty. Lopez. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …