Monday , December 23 2024
Ping Lacson Tito Sotto

Higit 60K ‘KakamPing Tunay’ nagpakita ng solidong suporta sa Lacson-Sotto tandem

TINATAYANG umabot sa mahigit 60,000 Filipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Sabado, 9 Abril, para ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

 Tinaguriang “Pure Love| ang nasabing rally na dinaluhan ng ilang mga sikat na performer at celebrity guests mula hapon hanggang gabi. Inorganisa ang aktibidad ng mga miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG) mula sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya sa Luzon.

  Itinaon ang naging pagtitipon sa paggunita ng “Araw ng Kagitingan” upang lumagda ng isang manifesto ang tambalang Lacson-Sotto para isulong ang tapat na pamahalaan at protektahan ang tiwalang ibibigay sa kanila ng taongbayan sakaling mahalal bilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

 “Sisiguraduhin naming walang bahid ng katiwalian ang aming panunungkulan upang hindi masayang ang inyong boto. Ang lahat ng plataporma na aming inihain ngayong kampanya ay aming tutuparin nang may kagitingan, buong husay at katapatan,” pangako nina Lacson and Sotto sa kanilang manifesto.

Hinikayat ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares, assistant campaign manager ng tambalang Lacson-Sotto, ang mga botante na pumili ng isang pinunong handang solusyonan ang mga problema ng bansa alang-alang sa mga susunod na henerasyon ng mga Filipino.

“Ang kinabukasan ng ating bansa, ng ating mga anak at ng ating mga apo ay nakasalalay sa boto natin. Sa laki ng problemang hinaharap natin, good intentions are not enough. We need someone who has the character, resolve and wisdom to make the right but difficult choices,” pahayag ni Jacinto-Henares sa kanyang pagpapakilala kay Lacson.

“We need someone who can change the system and not be eaten by it. We need a president who will heal and unite the Philippines, the one candidate that commands respect and brings hope. Ito ang presidente ko. He has my full trust and confidence. He is my only and the best candidate — President Ping Lacson,” dagdag ng dating hepe ng BIR.

Ayon kay retired Gen. Raul Gabriel Dimatatac, pinuno ng LSSG Metro Manila chapter, tinatayang nasa 60,000 tagasuporta ang pumunta sa Quirino Grandstand, ngunit nasa 2,500 lamang ang pinayagang makapasok sa venue ng grand supporters’ rally sa QMC kung saan nagtalumpati ang mga kandidato.

Kombinsido sina Dimatatac at iba pang mga tagapagtaguyod ng LSSG sa Laguna, Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Bulacan, at Batangas na kaya nilang ipanalo ang tambalang Lacson-Sotto ngayong Halalan 2022 dahil nasa likod nila ang puwersa ng tinatawag na ‘silent majority.’

“Sa hinaba-haba na po ng kampanya, ilang araw na po tayo, hindi mo sila naringgan ng masamang salita against their kalaban. Sila ‘yung disente, sila ‘yung gentlemen, sila ‘yung may cleanest intention (para sa bayan). Sila ‘yung may malinaw, maliwanag at malinis na plataporma de gobyerno,” paglalarawan ni Dimatatac sa Lacson-Sotto tandem.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lacson ang kanilang mga “KakamPing Tunay” mula sa LSSG at mga organizer ng “Pure Love” rally na pursigidong ikampanya sila ni Sotto, gayondin ang kanilang mga adbokasiya. Organisado ang LSSG sa 59 lalawigan sa buong bansa.

“Hindi lang sila kumikibo, hindi lang sila masyadong maingay, pero tahimik po silang nagtatrabaho, tahimik silang nagsasagawa ng kanilang ground work at para kumumbinsi ng ating mga kababayan upang ipahayag ang ating mga kalipikasyon, ang ating karanasan, ang ating competence sa pamumuno, at ang aming walang pag-iimbot na hangarin para magsilbi sa ating bansa sa susunod na anim na taon,” sabi ni Lacson sa kanilang masugid na mga tagasuporta.

Kabilang sa mga dumalo sa grand rally ang mga senatorial candidate ng Lacson-Sotto tandem na sina Dra. Minguita Padilla at dating Agriculture Secretary Manny Piñol. Naroon din ang mga guest candidate ng tambalan at nagbabalik-Senado na sina JV Ejercito at Gringo Honasan.

Ramdam din ang suporta ng iba pang mga senatoriable na sina dating national police chief Guillermo Eleazar, Deputy House Speaker Loren Legarda, at re-electionist Senator Joel Villanueva na nagpadala ng kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng mga pre-recorded video na ipinalabas sa rally.

 Nakiisa rin ang mga maybahay ng presidential tandem na sina Gng. Alice de Perio-Lacson at Gng. Helen Gamboa-Sotto. Naroon din si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, kasama ang iba pa nilang mga kaanak at kaibigan sa mundo ng showbiz at politika, para suportahan ang tambalang Lacson-Sotto.

Ang mga kapwa ‘cavalier’ ni Lacson mula sa Philippine Military Academy (PMA) sa pangunguna ng kanyang campaign manager na si dating Antipolo Rep. Romeo Acop, kasama si spokesman Ashley “Ace” Acedillo, at iba pa nilang mga kapanalig ay dumalo rin upang patuloy na suportahan ang laban ng mga batikang lingkod-bayan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …