Monday , December 23 2024
Minguita Padilla Ping Lacson

Todo proteksiyon ng health workers sa Lacson-Sotto tandem siniguro ni Dra. Padilla

MAWAWALA ang mga kaso ng atrasadong pasuweldo, pagkakait ng benepisyo, maanomalyang transaksiyon, at iba pang isyung nakaaapekto sa pagbibigay ng pampublikong serbisyong pangkalusugan kung si presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang susunod na mamumuno sa Malacañang.

               Pagtitiyak ito ni public health advocate at senatorial aspirant Dra. Minguita Padilla na nangakong itutuloy niya ang pagsusulong sa Senate Bill No. 2498 o ‘Magna Carta of Barangay Health Workers’ (BHW) na inihain nina Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

               Inihayag ni Dra. Padilla at ng kapwa niya senatorial aspirant Emmanuel “Manny” Piñol, sila ang magpapatuloy ng mga nasimulan nina Lacson at Sotto kung mahahalal sila bilang mga miyembro ng ika-19 na Kongreso sa Senado.

               “Kasi wala na si Tito Sotto at si Ping Lacson (sa Senado). ‘Di ba, magpe-presidente na siya (Lacson). Ito naman (si Sotto) magbi-bise-presidente — sana — kami ang magiging senador. Kailangan may magpasa nitong batas (SB 2498),” sabi ni Dra. Padilla sa kanilang town hall meeting sa Argao, Cebu.

“Kami ni (dating Agriculture) Secretary Piñol, kung kami ay mauupo (bilang mga senador), siguradong-sigurado na ipaglalaban namin ang Magna Carta [of] BHWs. Sigurado ‘yon kasi kahit ngayon ipinaglalaban na namin,” dagdag ng batikang ophthalmologist at senatorial candidate.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, sinisiguro ni Dra. Padilla na hindi maaapektohan ng politika ang mga health worker, tulad ng mga nagsisilbi sa bawat barangay at iba pang malalayong rural health unit. Layunin din ng ‘Magna Carta of BHWs’ na mabigyan sila ng sapat na suweldo, dagdag na kakayahan, at iba pang benepisyo.

“Sinasabi namin sa lahat ng mga politiko [na] ang kalusugan ay dapat hindi mahalo sa politika. Okay? Dapat health should be beyond politics. So, kahit mag-iba ‘yung barangay captain — kahit hindi ka gusto ng barangay captain — tuloy pa rin ang iyong benepisyo, ‘di ba?” saad ni Dra. Padilla. 

Kabilang sa mga adbokasiya ni Dra. Padilla para sa pampublikong kalusugan ang paghahanda ng bansa sa mga posible pang pandemya sa hinaharap na konektado rin sa plano ni Lacson sa pagbuo ng mga maagap na estratehiya at solusyon sa iba’t ibang mga krisis.

Ipinangako nina Lacson at Dra. Padilla ang ganap na pagpapatupad ng Universal Healthcare Act hindi lamang para sa mga BHW, ngunit maging sa publiko, lalo ang mahihirap na Filipino na umaasa sa gobyerno para masuportahan ang kanilang mga pangangailangang medikal.

“‘Pag Universal Healthcare Act, all 42,047 barangays will be covered; lahat ng health workers, may benefits; one hospital bed to 800 population; one RHU (rural health unit) for every 20,000 population [pero] ayaw pondohan. Sayang ‘yung batas,” sabi ni Lacson.

Sinabi ni Dra. Padilla, gusto niyang magamit ang makabagong teknolohiya sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, lalo sa malalayong barangay, na posibleng ipadala ang results ng medical test sa pamamagitan ng mga cloud storage facility upang makatipid sa pasahe ang pasyente at mga healthcare worker. 

“Maraming puwedeng gawin basta may political will at tama ang aming pananaw. At, again, ‘yung pera ng ating bayan ay mapunta sa atin at hindi sa bulsa ng kani-kanino man. ‘Yun ang importante, okay? So, don’t worry mayroon tayong [mga] plano pero kailangan manalo kami,” ani Dra. Padilla. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …