Monday , December 23 2024
Alan Peter Cayetano

5-year budget plan para sa next PH prexy — Cayetano

PINAYOHAN ni Senatorial Candidate at dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi sa kanyang administrasyon ang isang mananalo o susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Cayetano higit na matutulungan ang bawat pamilyang Filipino na maiangat ang kanilang kabuhayan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Binigyang-linaw ni Cayetano, walang perpekto ngunit mayroong magagawang paraan ang pamahalaan upang matulungan ang bawat Filipino na huwag mangutang sa 5/6 o usura at malulong sa pagbabakasakali sa mga sugal tulad ng e-sabong.

Sinabi ng mambabatas, kinakaya ng pamahalaan na madaliang magbigay ng tulong pinansiyal sa mga indibidwal nang wala man lamang balik sa pamahalaan,  ngunit panahon na siguro para baguhin ang sistemang ito.

Ani Cayetano, sa kasalukuyang sistema, taon-taon ang deliberasyon ng pambansang budget, kaya ipinapayo niyang gawin itong limang taong sa loob ng buong termino ng isang pangulo.

Sa ilalim ng ganitong sistema, kalakip ng pagpaplano ng budget ang plano at programa para sa buong bansa sa termino ng isang bansa.

Halimbawa, sinabi ni Cayetano, kung ang taunang budget ay P5 trilyon dapat ang pinag-uusapang proyekto ay budget sa loob ng limang taon at ito ay P25 trilyon.

Aminado si Cayetano, bukod sa savings ay mayroong ibang maaaring pagkuhaan ng pondo ang pamahalaan para tiyak na mabigyang pansin ang problema ng ating mga mamamayan mayroon mang krisis o wala.

Naniniwala si Cayetano na walang imposible kung talagang ipatutupad nang tama at mayroong sistema para matiyak na mapangangalagaan ang budget ng bawat mamamayan at walang kahit singkong masasayang.

Muling ipinunto ni Cayetano, kung ang isang maliit na negosyante ay kayang pautangin ng gobyerno, bukod sa maaaring maibalik ito sa pamahalaan sa magaang na pamamaraan pabor sa negosyante ay matutulungang mapalago ang kanilang negosyo at muling sumigla ang hanapbuhay oara sa pamilya kasabay nito ay makalilikha rin ng dagdag na trabaho.

Bukod dito, mababawasan ng bigat o pasanin ang negosyante dahil bukod sa mawawala ang mataas na interest ay magaan din ang sistema ng pagbabayad. 

Umaasa si Cayetano na tataas ang bilang ng mga papasok na turista sa bansa para mas madagdagan ng trabaho ang mga mamamayan.

Sa datos na nakalap ni Cayetano, bawat dalawang turista na papasok sa bansa ay trabaho para sa isang Filipino. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …