Sunday , December 22 2024
Ping Lacson Manny Piñol

Tsibog na ayos at masarap daragsain ng turista – Lacson, Piñol

PARA mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista na tangkilikin ang magagandang destinasyon sa ating bansa, sinisiguro ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat rehiyon upang maging abot-kaya sa lahat.

Sa mahal umano ng mga bilihin, gayondin ang mga gastusin sa paglalakbay, kabilang ang presyo ng pagkain sa mga dinarayong lugar ay may ilang napapaatras sa kanilang planong pamamasyal o kaya naman ay gumagawa na lamang ng sariling diskarte.

Kaya iniisip nina Lacson at senatorial candidate na si dating Agriculture Secretary Manny Piñol, bumuo ng tinatawag na farmer’s outlet sa bawat rehiyon kung saan ipadadala ang mga ani ng mga magsasaka at mangingisda para maging sapat ang supply at mapababa ang presyo ng pagkain.

“Dapat mag-form tayo ng tinatawag na tourism estate nang sa ganoon talagang naka-focus sa mga lugar ng mga tourist destination kung ano talaga ‘yung specialty. Parang ‘yon din sa mga produkto, ‘yung ‘One Town, One Product.’ Ganoon din dapat,” sabi ni Lacson.

Ibinahagi nila ang planong ito sa kanilang pagbisita kasama si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa bayan ng Romblon, kung saan nakausap nila ang mga residente at mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Konektado ang konseptong ito sa pangunahing plataporma nina Lacson at Sotto na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE).

“What is the relevance of affordable food to tourism? Bohol is a beautiful place but it’s very expensive,” paliwanag ni Piñol. Aniya, “You want tourism to improve? Bring down the cost of food, bring down the cost of services, and make people yearn of coming back to Romblon again.”

 “If you want to promote your tourism in Romblon because you have beautiful beaches and beautiful islands, all that you need to do now is develop your food production capacity. You must bring down the cost of food — fish, baboy, manok. You must be self-sufficient,” saad ni Piñol.

Ayon kay Lacson, sa tulong ng malawak na kaalaman ni Piñol at masigasig na pagsusulong sa kapakanan ng mga nasa industriya ng agrikultura sa bansa ay makakaya nilang iangat ang kabuhayan ng mga Filipino sa bawat rehiyon nang hindi umaasa sa pag-angkat ng mga produkto galing ibang bansa.

Pangako ni Piñol sa mga Rombloanon, sakaling palarin silang magwagi sa darating na halalan 2022, ay babalik siya sa lalawigan upang ipakilala ang iba pang industriyang pang-agrikultura na maaaring umunlad sa kanilang lalawigan.

“I will come back and help you with your aquaculture industry, your shrimp industry, your bangus industry, because we are now formulating local feeds in Cotabato. We’re doing it now. I will replicate it in Romblon para (dito na tayo gumawa ng local feeds) for your aqua, poultry and livestock, so that you could produce enough food,” sabi ni Piñol. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …