Sunday , December 22 2024
Ping Lacson KakamPings

Kakampings: Boto wag sayangin Ping Lacson dapat piliin

UPANG masiguradong hindi maliligaw sa pagpili ng nararapat na presidente sa loob ng susunod na anim na taon, pursigidong nagbayanihan sa pangangampanya para kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga lehitimong tagasuporta.

Iba’t ibang pamamaraan ang ginamit ng solid Lacson supporters na boluntaryong nangampanya at ipinakita ang kanilang presensiya hindi lamang sa mga komunidad ngunit maging sa social media.

Sa Iloilo, nagsagawa ng “Believers Caravan” ang mga miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG) noong 25 Marso. Suot nila ang kanilang puting t-shirt na nagsasaad ng pangalan ni Lacson at numero 5 sa balota.

Namahagi ang LSSG Iloilo chapter ng mga face mask, poster, tarpaulin at iba pang campaign material na naglalaman ng mensahe para sa maayos na gobyerno ng tambalang Lacson-Sotto.

Maraming supporters ang proud na ipinakita ang kanilang Ping Lacson ‘SpeakCups’ mula sa 7-11.

Sa Pampanga, pinangunahan ni retired police Gen. Wilfredo Dulay kasama ni barangay captain Francisco Cura ang ground campaign operations para kay Lacson sa Brgy. Pulung Cacutud, Angeles City.

Ayon kay Dulay, nagbibigay sila ng kaalaman sa mga botanteng Kapampangan hinggil sa mga pangunahing adbokasiya ni Lacson gayondin ang kanyang mga kakayahan, upang maipaunawa sa kanila kung bakit siya ang pinakakalipikado para maging susunod na pangulo.

Ganito rin ang ginagawa ng mga miyembro ng LSSG sa Rizal. Sa isang video sa social media hinimok ni Arnold Salinas ang mga Filipino na piliin si Lacson bilang kanilang top choice sa pagkapangulo, imbes alternatibong kandidato.

“Malapit na po ang halalan. Dapat piliin n’yo ay legit. Si Ping ay may tapang, matulungin, may isang salita, may paninindigan, at higit sa lahat hindi kurakot. Kaya mga kababayan, sa darating na eleksiyon, huwag ninyong sayangin ang inyong boto. Ping Lacson na for president!” saad ni Salinas.

Ang pagbuhos ng suporta mula sa mga ordinaryong Filipino ang nagpapalakas kay Lacson para ipagpatuloy ang kanyang kandidatura, kahit humiwalay na siya sa Partido Reporma para maging independent candidate.

“Parang nabuhayan, instead napilayan,” pahayag ni Lacson sa isang press conference sa campaign sortie nila ni Sotto Zamboanga City nitong Miyerkoles. 

Una nang sinabi ni Lacson, mas nakahinga siya nang maluwag imbes makaramdam ng pagkabigo, ngayong wala na siyang kinaaanibang partido.

Aniya, sanay na siyang makipagsapalaran nang mag-isa sa gera laban sa korupsiyon at tradisyonal na politika sa Filipinas. Pero dahil sa mga taong kumakampi sa kanya ngayon ay nagkakaroon siya ng pag-asa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …