Monday , November 18 2024
Lito Atienza Tito Sotto Ping Lacson

Atienza walang GMRC — Lacson
Lacson Sotto tandem solid — Sotto

“WALANG good manners at right conduct (GMRC).”

Tahasasng sinabi ito ni presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson kay vice presidential candidate Lito Atienza matapos hilinging magbitiw o umatras na sa pagtakbo upang matiyak na matalo ang tambalang BBM-Sara.

Ayon kay Lacson, walang karapatan si Atienza na hilinging umatras siya sa laban kahit mababa ang kanyang survey at hindi sinuportahan ng kanyang Partido.

Tanong tuloy ni Lacson kay Atienza, “ Sino siya para hilingin ang aking pag-atras?”

Nanindigan si Lacson na hindi siya aatras anumang mangyari  dahil ito ay kanyang sinimulan at ito din ay kanyang tatapusin hanggang sa huling sandali ng halalan 2022.

Hindi nangangamba si Lacson sa mga lumalabas na survey o kahit hindi marami ang crowd nila sa kanilang town hall meeting at rally.

Para kay Lacson, ang mahalaga sa kanilang tambalan ni vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay maiparating nila sa taong bayan ang kanilang plataporma de gobyerno.

Naniniwala si Lacson, kung mayroon mang karapat-dapat na tambalan ay walang iba kundi ang kanila at walang iba pa dahil may malinaw silang programa para mga mamamayan.

Naninidigan si Sotto na solido ang kanilang tambalan ni Sotto at walang ang makakawasak nito.

Inamin ni Sotto, mayroon silang unawaan ni Lacson na kung hindi silang dalawa ang sinususportahan ay walang problema basta sa huli silang dalawa pa rin ang magkasama at hindi sila mag-eendoso ng ibang tandem.

Ani Sotto, tulad ni Lacson, sinimulan nilang magkasama sa laban kaya handa siyang tapusin ito ng ang kanyang kasamang pangulo ay si Lacson at walang iba . 

Naniniwala si Sotto, walang makagigiba sa kanilang samahang dalawa, sa paniniwala at paninidigan dahil sila ay nagkakaisa at iisa sa labang ito. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …