Sunday , December 22 2024
Bongbong Marcos Sara Duterte IPM-MNAP

Walang kapalit
IPM-MNAP INENDOSO TAMBALANG BBM-SARA

TASAHANG sinabi ni Engr. Faith Recto, Pangulo ng Ituloy ang Pagbabago Movement – Mahalin Natin ang Pilipinas (IPM-MNAP), sa ngalan ng kanilang grupo ay kanilang sinususportahan at iniendoso ang tambalang UniTeam BBM-Sara.

Sa kabila nito tiniyak ni Recto na isang AAA contractor, walang kapalit ang pagsupotta ng grupo sa tambalan.

Iginiit niyang isang taon na ang nakalilipas nang mabuo ang kanilang samahan para suportahan ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang paniniwalang ipagpapatuloy niya ang nasimulang pagbabago at pag-unlad ng bansa sa ilalim ng adimistrasyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Recto, kahit siya ay kabilang sa isang construction company at ang ilan sa kanilang miyembro ay may kanya-kanyang negosyo ng konstruksiyon ay walang ni isa mang proyekto ang kanilang kompanya sa mga infrastructure project ng pamahalan sa ilalim ng kasalukuyang adminitrasyon.

Kung kaya’t umasaa rin ang bawat isa at tinitiyak niyang hindi sila hihingi ng kapalit at pabor sa kanilang pagsuporta sa naturang tambalan.

Paliwanag ni Recto, naniniwala sila na magiging maayos ang buhay ng mga negosyo o namumuhunan at tuloy-tuloy ang mga pag-unlad sa bansa kung ang tmabalang BBM-Sara ang kanilang sususportahan.

Binigyang-diin din ni Recto, mula sa bulsa nilang mga opisyal at miyembro nanggagaling ang kanilang ginagastos sa bawat aktibidad na ipinapaabot sa taong bayan kung bakit dapat ang tambalang BBM-Sara ang kanilang iboto sa darating na halalan.

Sa kasalukuyan, mayroong 7,732,000 miyembro ang IPM-NMAP na pawang mga botante at mula sa iba’t ibang sektor sa Filipinas  kabilang ang LGBT, engineers, mga abogado, mga kabataan, mga propesyonal, IT experts, mga kontratista, SME’s, mga universities, at iba pa.

Binigyang-linaw ni Recto, sila ay volunteers at parallel group na sumusuporta sa tambalang BBM-Sara.

Umaasa si Recto na madaragdagan pa kanilang mga miyembro sa mga susunod na araw kasunod ng paglulunsad ng mga aktibidad at patuloy na recruitments. 

Siniguro ni Recto, hindi nila kailangan ng kahit anong kapalit sa pagsuporta sa BBM-Sara tandem dahil ang bawat miyrembro nila ay makakain o kakain nang tatlong beses sa isang araw at mayroon pang meryenda dahil sila ay pawang may trabaho, hanapbuhay, at negosyo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …