Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manilenyong Muslim todo suporta sa tambalang Lopez – Raymond

LUMAGDA sa kasunduan sina mayoralty bet, Atty. Alex Lopez, vice mayoralty aspirant Raymond Bagatsing, at kinatawan ng Manila Muslim Community (Masjid), na naglalayong magkaisa.

Isinagawa ang naturang kasunduan sa Bayleaf, Intramuros, Maynila nitong Huwebes ng hapon, 24 Marso.

Nagkasundo ang mga lider at kinatawan ng Muslim Community ng Maynila na ipagkakaloob ang kanilang buong suporta sa tambalang Alex at Raymond sa darating na 2022 elections para maluklok na bagong mayor at bise alkalde ng lungsod.

Sa naturang kasunduan, nakasaad na nangangako silang magkakaisa upang magdala ng mabuti at eksklusibong pamahalaan para sa kapwa nila Manilenyong Muslim.

Kaalinsabay nito, ang pagpapasuot kay Atty. Alex ng kupya, isang kasuotan sa ulo ng mga Moro na karaniwang isinusuot ng isang Sultan.

Ipinahayag ng mga Manilenyong Muslim, si Atty. Alex Lopez ang susunod na Rajah ng Maynila. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …