Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Carlo Aquino Beautederm

Beautederm CEO Rhea Tan thankful kay Carlo Aquino

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PUNO ng pasasalamat ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kay Carlo Aquino sa pagsama ng award-winning actor at Beautederm ambassador sa four-day trip sa Vigan, Ilocos Sur para sa iba’t ibang events doon.

Ever since chill lang kami ni Carlo. Hindi kasi siya alagain hahaha! Masaya kami lagi magkasama. Kapatid ko na kasi ‘yun eh. Kaya thankful ako kay Carlo kasi lagi siyang nandiyan for me. For Carlo, love ka ni Ate. Rito lang ako always for you,” sabi sa amin ni Miss Rhea nang maka-chat sa Instagram.

Totoo naman talaga na isa si Carlo sa masisipag at maaasahang ambassadors ng Beautederm.

Maraming pinasayang mga taga-Vigan si Carlo sa mga event na pinuntahan niya roon. Hindi magkamayaw ang mga tao na makamayan, batiin, at makapagpa-picture kay Carlo. Siyempre sumunod pa rin naman sila sa health and safety protocols kontra COVID-19.

Unang event sa Vigan na nakasama ni Ms. Rhea si Carlo ay para sa bonggang Beaute On Wheels event ng Beautederm na ginanap noong March 15 sa Vigan Plaza. Hinandugan ni Carlo ng song numbers ang mga manonood at nangharana pa ng mga kababaihan. Nakasama rin sa event ang comedian hosts na sina Boobay at Pepita Curtis.

Pangalawang event na ito ng Beaute On Wheels sa Vigan. Nakasama ni Ms Rhea sa unang event si Grandslam Queen Lorna Tolentino.

Nagkaroon din ng meet and greet si Carlo noong March 16 sa Mega Saver Vigan big opening in cooperation with Beautederm. Twelve years na nagtrabaho bilang VP/Director for Marketing ng Savers Appliances si Tan, kaya happy siya na maging sponsor ang Beautederm at isama si Carlo sa grand opening.

Happy rin si Ms Rhea na makasama ang mga dati niyang katrabaho. Ayon nga sa Facebook post niya, “After 6 years, nakasama ko na ulit aking mga kaibigan sa Appliance Industry!! So happy! Sa Vigan pa talaga kami magrereunion!! Sa aking hometown Sa Opening ng  store ng one of my bosses ang napakabait at humble na si Ma’am Aileen Chan. Congratulations Maam! More more blessings to come! Lab daka”

Syempre hindi lang puro trabaho ang inatupag nina Ms Rhea at Carlo dahil magkasama rin nilang binisita ang set ng Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na nagsu-shoot sa Vigan. Nakapagpa-picture pa sila kasama ang bida nitong si Coco Martin kasama ang iba pang cast ng serye na sina Michael de Mesa, Raymart Santiago, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Jay Gonzaga, at Julia Montes.

Isinama rin ni Ms Rhea si Carlo sa ipinagagawa niyang bahay sa Vigan. “Visited my soon-to-be Vigan Home with my Baby Brother Carlo Aquino. Dito na sha tira, sa kanya isang room,” sabi ni Ms Rhea sa caption ng kanyang FB post.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …