Wednesday , December 18 2024
Angela Morena Rob Guinto Josef Elizalde

Angela at Rob masaya sa ginawang sizzling scenes 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYA kapwa sina Angela Morena at Rob Guinto na pinuri ng kanilang direktor na si Lawrence Fajardo ang ginawa nilang sizzling scenes sa pinakabago nilang pelikula sa Viva Films na mapapanood na sa Vivamax simula March 25, ang X-Deal 2.

Ani Angela nang matanong kung may naramdaman ba sila habang kinukuhanan ang sizzling erotic scene sa pelikula. 

Masaya, sobrang saya as in,” ani Rob.

“Pagkatapos ng lovescene namin nakita namin na masaya si direk. Masaya siya sa ginawa namin,” sambit naman ni Angela.

“Sobrang saya na namin doon (masaya) kasi nakita namin at sinabi niya sa amin na, ‘very good,’” susog pa ni Rob.

Sa kabilang banda, kapwa kuntento sina Angela at Rob sa kani-kanilang katawan kaya hindi nila kailangang sumailalim sa pagpaparetoke.

Wala sa akin, siguro more on work out lang,” ani Rob.’’

Kuntento na ako sa kung anong mayroon na ako at sa kung ano ako,” giit naman ni Angela.

Kapwa naman sinabi nina Angela at Rob na malaki ang difference ng X-Deal 1 sa X-Deal 2 dahil may mga eksena sila na hindi ginawa ng X-Deal 1. “At mas maganda ‘yung sa amin tulad ng sa location, settings, mga eksena ang ganda,” pagtatanggol ni Angela.

Talagang kapag napanood ninyo masasabi ninyong, wow! kahit kami sobra kaming na-amaze,” sabi pa ni Rob. 

Ang mga bida ng X-Deal 2 ay ang mga upcoming artist mula sa Viva. Si Rob ay isang sexy social media influencer na bumida na rin sa ilang Vivamax Originals, ang Siklo at Boy Bastos. Si Angela naman ay na naging parte ng  comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo Part 2: Aussie! Aussie! O Sige!

Bibida rin sa pelikula si Josef Elizalde, na nakilala sa supporting roles sa iba’t ibang pelikula, gaya ng Ulan, Hindi Tayo Pwedeat Just a Stranger. Ngayon, si Josef naman ang magiging bida kasama ang dalawang naggagandahang dalaga. 

Ang X-Deal 2 ay ang sequel sa naging pelikula ni noong 2011, pero may iba na itong mga bida at istorya. Ang naging ugnayan ng dalawang pelikula ay ang konsepto nito ng paee-eksperimento sa pakikipagpalitan ng karelasyon. 

Si Fajardo rin ang director ng Pinoy adaptation ng A Hard Day, na official entry sa Metro Manila Film Festival, at ng marami pang Vivamax Original Movies gaya ng Mahjong Nights, Reroute, at Nerisa.

Handong ng Viva films ang isang deal na hindi niyo mahihindian. Mapapanood na ang X-Deal 2 sa Vivamax ngayong March 25, 2022.   

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …